Starving Maaga akong gumising. Halos iligo ko sa buong katawan ko ang mamahalin kong perfume para lang maamoy ako ng kahit sinong makakasalubong ko kahit sa malayo pa sila. Kailangan ko nang gawin ang plano kong pang-aakit kay Tres. Iyon pala ang gusto ng prinsesang gubat na iyon ha. If she wants war then I can give her one. Bloody style. Let's see kung hanggang saan yang pagpipigil mo sa akin. And this time, I make sure I'll get on her nerves. Real big time. "M-Miss Addi..." Nahead to foot ako ng birhen kong alalay nang makita niya ang kabuuan kong imahe. Ngumiti lang ako ng matamis sa kanya. "I know. I'm dazzling." Nilagpasan ko na siya pero iyong boses niya ay humahabol parin sa akin. Idagdag pa ang nagmamadaling yapak ng paa niyang nakabuntot na naman sa likuran ko. "Pin

