Maaga akong nagising kinabukasan dahil bukod sa naninibago pa ako rito sa mansyon nila Marga, e sanay na rin talaga ako sa ganitong oras ng gising, dahil nga sa trabaho ko kay Aling Susan sa karinderya, alas singko pa lang ay bukas na kami.
Hindi muna ako bumangon at tumunganga. Naisip ko, ano kayang mangyayari sa akin dito? Kaya ko kayang mamuhay ng mag isa? I mean, hindi naman totally mag-isa dahil may mga kasama naman ako rito, pero kase... syempre hindi naman ako aasa sakanila na buhayin ako habang buhay, 'di ba? Nakakahiya rin ang magtagal sa ganito kalaking bahay tapos hindi mo naman kaano-ano ang nagpatira sayo.
Kaya ko kayang bumukod? Kaya ko kayang umalis dito at buhayin ang sarili ko mag-isa? Hindi ko na alam... naguguluhan ako ngayon, nalulungkot din dahil hindi ko pa rin matanggap na basta nalang akong nakulong sa mismong birthday ko, kahit pa sabihin na absuwelto naman na. Masakit pa rin para sa akin...
Alam kong sa ngayon ay nandiyan si Marga at handang tumulong sa akin, pero hindi ba nakakahiya kung sakanya ako aasa? Magtrabaho kaya ako rito habang nag-aaral? At tsaka, hinahanap kaya ako nila mama?
Natawa ako sa isiping 'yon, asa ka pa, Virgo. Baka tuwang tuwa nga ang mga 'yon dahil umalis ka sakanila. Nabawasan ang palalamunin nila sa bahay.
Napabuntong hininga ako at naisip na kausapin mamaya si Marga.
Bumangon na ako at dumiretso sa banyo nitong kwarto, ngayon ko lang napagtuunan ng pansin kung gaano kalaki ang kwartong 'to dahil umaga na at gising na gising na ang diwa ko.
Ang ganda... pati ang banyo ay kasing-laki na ata ng sala namin sa bahay. May bathtub pa at malaking salamin sa loob, nakakita ako ng mga hindi pa gamit na toiletries dahil naka sealed pa ang mga 'to, may tatlo pang bathrobe na nakasabit. Kompleto ang lahat sa banyong 'to, kahit shower at heater ay meron sila!
Naghilamos muna ako at lumabas ng banyo, binuksan ko ang pinto ng walk in closet nitong guestroom at wow! Ang daming damit, may mga bag at sapatos pa akong nakita na nakahilera sa isang opened cabinet na gawa sa salamin. Sino kayang gumagamit nito? Ang sabi naman ni Marga ay guestroom lang daw 'to pero ba't ang daming damit? May mga gown pa.
Pumasok ako ng tuluyan para maghanap ng pwedeng suotin, siguro naman ay may pambahay dito, ano? Hindi naman ako sobrang mahiyain at maarte sa suot kaya kahit ano rito ay pwede na siguro.
Wala akong dalang gamit bukod sa bag, cellphone kong de keypad at isang pares ng uniporme nung sinama ako ni Marga dito.
Binuksan ko ang bawat kabinet at nakakita ng isang kulay black turtle neck na bistida, mukha rin itong longsleeve pero abot lang hanggang siko ang haba, simple lang 'to at walang design, plain black kaya 'yun ang napili kong suotin. Pansin ko kasing ang gagara ng mga damit dito sa loob kaya okay na siguro 'to, para madali lang din labhan. Naghanap din ako ng underwear, siguro naman merong gano'n dito. Ingat na ingat ako sa paghahanap dahil baka may masira ako o ano, wala akong pambayad.
Sasabihin ko nalang kay Marga na lalabhan ko 'tong mga hihiramin ko para hindi nakakahiya. Problema ko pa ang iba kong mga susuotin sa susunod na araw. Humiram kaya ako sa mga kasambahay?
Sa kakabukas ko ng mga kabinet ay nakita ko na ang lalagyan ng mga underwear, puro terno ang mga 'to at puro branded. Taga probinsya man ako ay hindi naman ako ignorante sa mga ganitong bagay. Kumuha nalang ako ng isang ternong kulay black din na bra at panty at bumalik sa banyo para maligo bago bumaba. Mas mabuti na 'to kesa walang suot.
Nakakahiyang humarap sa magkakapatid na mukhang madungis at hindi pa naliligo.
Nagsasabon pa lang ako ng katawan nang makarinig ako ng katok sa pinto.
"Ate V? Are you there?" sigaw ni Marga sa labas ng pinto nitong banyo.
"Yes, Marga! Teka lang at patapos na ako!" sigaw ko pabalik.
"Okay, take your time! I'll leave Jasmine here so she can guide you downstairs!"
"U-Uh, sige!"
Isa siguro 'yon sa kasambahay nila. Nagkibit balikat nalang ako at pinagpatuloy ang paliligo.
Magaan ang pakiramdam ko nang makapag palit na ako at lumabas na ng banyo. Saktong sakto lang sa akin ang napili kong underwear kaya naman naging komportable ako sa suot. Naabutan ko ang isang kasambahay na nakatayo lang sa gilid ng kama ko na parang naghihintay.
Sinulyapan niya ako at biglang yumuko.
Nagulat ako sa inasal niya, kagabi pa sila yumuyuko sa akin samantalang bisita lang naman ako dito.
"Ay hala, wag na po kayong yumuko, hindi niyo naman po ako amo," ani ko at hinawakan siya sa braso para ituwid.
"That's a rule here, Miss. We are bowing our heads to show respect," tipid lang nitong sabi at inilahad ang kamay sa tapat ng pinto na parang pinapalabas na ako.
"U-Uhm.." wala akong maapuhap na salita kaya lumabas nalang ako.
Nauna siyang naglakad sa mahabang hallway kaya naman agad ko siyang sinundan.
Shems! Hindi pa ako nakakapag suklay. Pero hindi bale na, 'di naman buhaghag ang buhok ko tsaka bagsak na bagsak 'to kaya hindi halatang wala pa akong suklay.
Pansin kong puro englishera ang mga kasambahay nila dito ah, I feel so out of place!
Naks, english din 'yon, Virgo!
Nagpatuloy kami sa paglalakad, nang makababa sa hagdan ay nakita ko ang dami ng mga tauhan nila Marga na nandito. Nakita ko ang ibang kasambay na may sari-sariling ginagawa, may mga nakita rin akong lalake at babae na naka black suit at mga nakasuot ng earpiece sa kaliwang tenga. Astig! Para silang si Leo na bodyguard ni Marga.
Hindi kami sa dining room pumunta kung 'di sa isang balkonahe na may mga mesa at upuan din, sa harap no'n ay isang malawak na hardin at makikita mo ang isang maliit na fountain na may statue ng kabayo.
"Ateee!" rinig kong sigaw ni Marga sa likod ko.
Nilingon ko siya at nakitang kasama niya si Leo na ngayon ay nakablack suit na rin. Araw araw kayang gano'n ang suot ng mga bodyguard nila?
"You look fab!! That dress suits you, Ate! Look at the curves, omg!" histerikal na puri niya sa akin.
Nahihiya akong tumingin sa katawan ko, fitted nga pala 'tong dress. Sukat na sukat sa akin, payat ako pero hindi naman sobra. Sakto lang ang sukat ng katawan ko at hindi ko maitatangging maganda ang hugis ng aking bewang, ito nga ang kina-iinggitan sa akin ni Ate Lyra.
"U-Uh, salamat! S-Sorry, nanghiram na ako ng damit sa closet doon sa kwarto wala kasi ak–"
"Ano ka ba, Ate! Of course it's okay, you don't have to be sorry. I told you I got your back right? Pwede mong gamitin lahat ng 'yon, no worries!" si Marga sabay angkla ng braso niya sa akin at hila palabas ng balkonahe.
Nakita kong may naka set-up na pala na almusal sa kabilang banda nitong balkonahe at may mga kasambahay pa na nagdadagdag ng mga kung ano doon.
Nakita kong dalawang upuan lang ang nand'on, hinila ni Leo ang upuan ni Marga at sunod ang sa akin para makaupo kami.
Inirapan lang ni Marga si Leo at ako naman ay nagpasalamat.
Tinanong ako ni Marga kung kamusta ang tulog ko at habang kumakain kami ay dinadaldal niya ako. Hindi sumabay sa amin si Leo at nakatayo lang sa gilid namin. Naiilang ako dahil hindi ako sanay na kumakain habang may nakabantay, hindi ko nalang pinuna 'yon dahil parang ganito talaga ang patakaran sakanila.
Tapos na kaming kumain nang napag desisyunan kong kausapin si Marga sa plano ko sanang gawin.
"Marga."
"Hmm?" Sagot niya habang pumipindot pindot sa cellphone niya.
"Gusto ko sanang magtrabaho dito sainyo," diretsa kong ani.
Kunot noo niya akong nilingon, "Huh? Trabaho? No, ate! Hindi na kailangan!" kontra niya.
"Kase nakakahiyang tutulungan mo ako sa lahat, ayokong umasa sa t-tulong niyo. Pwede ako maging kasambahay niyo rito."
"Ate! Sabi ni Nana Susy, parang anak na ang turing niya sa'yo, so hindi ka na iba sa amin, okay? I promised Nana to help you, please stop thinking about it," she pouted.
"Kahit kasambahay niyo lang sa–"
"I'm sorry but it's a no, Ate! That's a no, period! And I hear nothing!"
Natawa ako sa itsura niyang nakasimangot at nakatakip pa ang dalawang kamay sa tenga na parang ayaw marinig ang sunod ko pang sasabihin.
Mukhang wala akong magagawa kung 'di tanggapin ang tulong niya, siguro ay babayaran ko nalang siya sa lahat nang kabutihan niya pag nakapag-tapos na ako. Magsisikap akong mag-aral para hindi ko siya mabigo pati na rin si Aling Susan.
Ang iniisip ko lang ngayon ay kung ayos lang ba talaga sa mga kapatid niya na nandito ako.
Sumingit si Leo sa usapan namin at sinabing pinapatawag siya ng Kuya Connor niya sa taas. Nagpaalam naman sa akin si Marga at sinabihan ang isang kasambahay na i-tour ako sa buong mansyon at baka mamaya pa raw siya pababain ng kuya niya.
Tingin ko ay may mahalaga silang pag uusapan. Na-excite naman ako sa isiping makikita ko ang buong mansyon ngayon, ang ganda kase talaga rito tsaka ngayon lang ako nakapasok sa ganito kalaking bahay, sa TV at picture ko lang kase nakikita ang mga gan'to.
Nananakit na ang mga paa ko sa kanina pa paglalakad namin ng kasambahay na kasama ko dahil sa laki ba naman ng mansyon na'to, hindi ko na napansin na may 3rd floor pa pala. Una naming pinuntahan kanina ang kitchen nila, sunod ang living room, ang theatre and music room, meron din silang gym dito, sa likod ay isang malaking swimming pool at meron ding library ang mansyon na'to.
Ang mga hindi namin pinuntahan sa second floor ng mansyon ay ang mga kwarto ng magkakapatid dahil ayaw raw nilang may nagagawi roon, kumabaga off limits, gano'n din ang 3rd floor ng Mansyon dahil pinagbabawal daw ng panganay na Gautier ang umakyat ang sinuman doon bukod sa magkakapatid. Ang maid's quarter ay nakahiwalay sa mansyon. Nakita ko mula sa second floor ang isang bahay na kadikit lang nitong mansyon na may kalakihan din naman ngunit iisa lang ang palapag. 'Yun raw ang maid's quarter ayon dito sa kasama ko.
Maid's quarter na 'yon? So anong tawag sa bahay ni papa sa San Vicente? Rat's Quarter? Grabe, ang yaman talaga nila!
Alas nuebe na hindi pa rin bumababa si Marga kaya pinaghanda ako ng meryenda nitong kasama ko. May isa pa akong hindi napupuntahan, 'yun ay ang garden nila. Pagtapos kong kumain ay pupuntahan ko 'yon, alam ko naman na ang daan papunta dahil sa tapat lang ng balkonahe 'yon na pinag almusalan namin ni Marga.
"Ate, sa garden lang po ako. Wag na ho kayong sumama, alam ko na po ang daan," magalang na sabi ko sa kasambahay.
"I can't leave you alone, Miss. Mapapagalitan po ako."
"Ay hala, hindi naman po ako lalayo, diyan lang ho ako, oh!" utas ko sabay turo sa tapat ng balkonahe.
"Hindi po talaga pwede, I need to accompany you, Miss."
Accompany? Bakit? Wag niya sabihing iniisip niyang magnanakaw ako ng gamit dito? O, baka talagang pinababantayan ako ni Marga? Ang higpit nila dito.
"Promise mabilis lang ako, Ate! Alam kong pagod kana rin e, kanina ka pa po nakasunod sa akin kaya ako nalang po!" pilit ko sakanya.
Gusto ko kasing mapag-isa doon, tsaka nakakaawa kanina ko pa siya kasama sa pag-iikot. Kahit habang nagme-meryenda ako kanina at inalok siya ay hindi niya ginawa, bawal daw dahil matatanggal siya sa trabaho.
"But, Miss, hindi talaga p–"
"Let her," isang malamig na tinig ang nanggaling sa likod ko kaya agad akong napalingon.
Napaawang ang bibig ko ng makita ang isang matangkad na lalake na may asul ring mata gaya ng mga kuya ni Marga. Nanlamig ako sa klase ng titig niya na parang hinahalukay ang kabuuan ko, mukha siyang mas matanda kila Connor at Blow. Nakasuot ito ng puting button down long sleeve na may itim na necktie at itim na slacks, may nakasabit pang jacket sa balikat– ito ata yung terno ng suot niya. Mukhang papasok ng opisina.
Napatitig ako sakanya. Grabe! Para akong nakatingin sa isang fictional character na nababasa ko lang sa w*****d.
Those intimidating blue set of eyes, that perfect jawline, narrow nose, thick eyebrows and that smug look...
"Done checking me out, young lady?"
Napabalik ako sa huwisyo sabay takip ng kamay ko sa aking bunganga nang magsalita siya.
Sh*t! Nakatulala na pala ako sakanya, hindi ko napansin! Nakakahiya!
Nakita kong umangat ng konti ang gilid ng labi niya.
"Let her do whatever she desires, you can leave now,," utos nito sa kasambahay matapos akong tanungin.
"Yes, Monsieur," aniya sabay yuko at alis na.
"A-Ah, wait!" tawag ko sa kasambahay pero huli na ako dahil mabilis na 'tong nakalakad palayo.
"You're my sister's friend?" tanong nitong lalake sa harap ko at hindi na pinansin ang balak kong pagpigil sa kasambahay.
Tumango ako ng mabilis at yumuko dahil hindi ko kayang tignan siya, nakakatakot at nakakapanlamig na nandito sa harap ko ang panganay na Gautier. Hindi naman ganito ang naramdaman ko nang makita 'yung Connor at Blow. Grabe ang tindig ng isang 'to, para akong magf-freeze sa klase ng titig niya!
"I see, where is she?" kaswal na tanong lang nito sa akin.
"S-Sa taas, pinatawag d-daw ni C-Connor."
"Look at me when I'm talking, young lady."
Nagulat ako sa sinabi niya kaya bigla akong napaangat ng tingin. May kung ano sa boses niya na mapapasunod ka talaga agad. Sinalubong ng tingin ko ang seryoso niyang mga mata. Nakaka intimidate talaga siya, ngayon lang ata ako kinabahan ng todo sa isang lalake.
"S-Sorry!" wika ko habang nakatago ang mga kamay sa likod, nanginginig na kase sa kaba ang mga 'to.
I saw amusement crossed his eyes pero bigla ring nawala.
"Forgiven, tell my sister to come knock at my office once you see her," utos pa nito sa'kin.
Tumango nalang ako sabay iwas ng tingin.
"Uh, s-sige una n-nako," ani ko habang nauutal pa at tinuturo ang daan kung saan ako pupunta.
He nodded.
Walang salitang naglakad ako ng mabilis palayo sakanya, shems, ano 'yon? Parang hindi makatao ang itsura niya, parang may lahi silang espanyol na ewan.
Diretso akong naglakad palabas ng balkonahe pero nilingon ko muna siya ng isang beses bago lumabas, wala na siya sa kinatatayuan niya kanina.
Napahugot ako ng malalim na hininga, para tuloy akong nagdadalawang isip na tumira dito sa mansyon nila Marga. Napapalibutan ako ng mga halimaw sa gwapong mga lalake, jusko!
Kalma na, Virgo, kalma na.