Nang mahimasmasan ay hinanap ko na kung nasaan ang kambal. Natagpuan ko sila sa isang kwarto na mahimbing pa rin na natutulog. Nakabihis rin sila ng ternong pajama. Magaan ang paang naglakad ako papunta sa kama. I'm trying not to create any noise, mabilis pa naman magising ang dalawang 'to. Umupo ako sa gilid ng kama at nakangiting tinitigan lang sila. My precious twins... I don't know if tanggap na kayo ng papa niyo. But based on his reaction... I sighed. Sana nga talaga, ready na siya para sa kambal. Hinaplos ko ang noo ng bunso ko. She's been looking for his father for such a long time. I know Natalia will be so happy, even Pisces, hindi lang showy ang panganay ko pero sigurado akong matutuwa rin siya kapag nakilala na niya si Nick. I will talk to him again. Kailangan ko lan

