Hindi ko maiwasang mamangha nang makapasok ang sinasakyan namin ni Marga sa loob ng skwelahan nila. Maaga niya akong ginising kanina para maghanda sa pagsama sakanya rito. Shems.. Parang pang international naman 'to, ang laki! Hindi mo aakalaing may ganito kagandang skwelahan sa pilipinas, akala ko sa ibang bansa lang. Ngayong araw pinagpasyahan ni Marga na isama ako sa school niya at i to-tour niya raw ako mamaya after class niya, ang sabi niya ay na enrolled na raw ako rito kaya pwede na akong magsimula sa lunes, friday kase ngayon kaya ang mga studyanteng nakikita ko e naka-sibilyan. Ang gaganda nila manamit... Halatang mga mayayaman! "Ate, my class will start at exactly 8:00. Mamayang dismissal, tatawagan kita para sa cafeteria muna tayo," si Marga. "Sige, dalawa lang klase mo

