Kanina pa nanlalamig ang kamay kong nakataas at kakatok na sana sa pinto ni Blow pero hindi ko magawa. Hindi ko alam bakit ako nahihiya.. gusto ko lang naman sanang malaman kung bakit bigla nalang niya akong hindi kinausap. Ilang minuto na rin akong nakatayo dito, sigurado akong nandito siya sa kwarto niya dahil nang matapos kaming kumain kanina ay sinundan ko siya. Huminga muna ako ng malalim at kumatok sa pintuan niya. "Blow? Nandiyan ka ba?" Paninigurado ko. Hindi naman nagtagal nang bumukas ang kanyang pinto at bumungad sa akin ang shirtless niyang katawan. Agad akong napatalikod nang ibalandra niya sa akin 'yon at seryoso pa akong tinignan. "What do you want, Virgo?" Kinilabutan ako sa lamig ng boses niya. "Ahm.. Gusto sana kitang makausap, o-okay lang ba?" "You wanna

