Pagpasok ko pa lang ng kumpanya ay nahalata ko na agad ang takot sa mga mukha ng empleyado. Lahat sila ay mukhang nagmamadali at hindi mapakali sa kakalakad. Nagtatakang tinignan ko lang sila at pumasok na sa elevator. Dahil ba dumating na si Nick? Gano'n ba sila katakot sakanya? Hindi na ako magtataka kung may tinanggal nanaman itong empleyado ngayon. Paglabas ko ng elevator ay sakto namang paglabas ni Nick sa pinto ng office niya. He look so worn out. Buhaghag ang buhok at ang suot niyang necktie ay wala na sa ayos. Nakabukas din ang ilang butones sa taas ng kanyang white long sleeve. "G-Goodmorning," bati ko sakanya. "Mm, morning. I need you to finalize these papers." Nilapag niya ang ilang kumpol ng papel sa table ko. Tumango muna ako bago nilapag ang mga gamit ko at um

