TRAVIS’ POV
MAKATI, PHILIPPINES
“Boss, you got an invitation from your half-brother,” Bob said as he handed me a white envelope.
“A wedding invitation,” I muttered lifelessly as I read the name of the person my ungrateful nephew was going to marry.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang pangalan ni Kassandra Jayden Montevista ang babaeng matagal ko nang minamahal ng lihim. Nagtrabaho akong janitor sa school na pagmamay-ari ng Lolo Nicandro ko kung saan pumapasok si Kassandra. There was a huge age gap between us, at nasubaybayan ko ang pagdadalaga niya. Ngunit nawalan ako nang lakas ng loob na ligawan siya, dahil isa siyang heredera. Samantha lang ako ay isang bastardo ng mga Mondragon na ang sabi nila... isa akong outcast at blackship ng mga Mondragon.
“Boss, are you okay? Why does it seem like you didn’t like what you saw?” tanong sa akin ni Bob.
Tumingin ako kay Bob. “Remember the girl I’m always telling you about?” tugon ko sa kanya.
“Yes, I remember her. Don’t tell me she’s the one who’s engaged to your nephew,” mabilis na tugon sa akin ni Bob habang nakatitig sa akin.
“Yeah,” I said, my voice turning cold.
“She’s the one. And I won’t let that wedding happen. If I need to go back to Quezon, I will.” Ang lapis na aking hawak ay nagawa kong baliin. “They’re not after love—they’re after survival. They’ll want to use the Montevista family as a steppingstone to keep their sinking business afloat.”
Hinding-hindi ako papayag na mapakasal kay Timothy ang babaeng pinakamamahal ko. Tumanda ako nang ganito dahil hinihintay ko si Kassandra na sumapit sa tamang edad. At nagsikap ako sa buhay para maging karapat-dapat ako sa pamilya Montevista.
“So, what are you going to do now?” Bob asked. “Are you going to introduce yourself to your family as the CEO of Glow Skin Beauty Products, the head of Philippine Global News Channel, and the new CEO of Mondragon Corporation?”
Umiling ako kay Bob. “No. For now, I’ll let them see me as nothing more than a construction worker.” My gaze drifted into the distance, cold and unreadable. “I’m not telling them yet that I’m the one who bought the Mondragon Corporation—the company that once belonged to my grandfather and was left to rot by my half-brother.”
Ngayon ay wala silang kaalam-alam na sa akin na sila nagtatrabaho. Simula nang mabili ko ang family business namin na pinaghirapan ipundar ng Lolo ko ay walang ibang nakakaalam maliban kay Bob na loyal kong secretary.
Gusto ko ring kunin ang Lolo Nicandro ko na ngayon ay pinapabayaan na nila dahil sa kondisyon nito na Dementia. Kahit ang aking ama ay wala na ring pakialam sa Lolo ko dahil alagaan na ito at walang silbi.
“Then how are you going to face her?” Bob asked, his voice was low with concern.
I stared ahead, jaw tight. “I don’t know yet,” sabi ko. “What matters is—I want to stop that wedding before it’s too late.”
Tinitigan ako ni Bob. “So, you really are going back to Quezon?”
I gave a single, sharp nod at him.
KINABUKASAN
Katukad nang napag-usapan namin ni Bob kahapon ay uuwi ako ng Quezon upang tutulan ang kasal ng aking ungrateful nephew.
Napangiti ako nang makita ko ang dalang construction worker uniform ni Bob. Hindi ko kailangang humarap sa pamilya ko bilang isang billionaire na minsan na nilang pinagkaitan nang magandang buhay dahil sa legal wife ng daddy ko. Tanggap ko na hindi nila ako tanggap dahil bunga lang ako nang pagtataksil ni daddy at anak ng isang kasambahay, ngunit ang ipadala ng asawa ni daddy si mommy sa mental hospital ang hindi ko mapapatawad dahil ginawa niyang miserable ang buhay ng mommy ko.
Kaya nga nagsikap ako sa buhay ay para mailabas sa mental hospital si Mommy na ngayon ay tahimik na ang buhay sa America kasama ang naging asawa niya. Piniling lumayo ni Mommy dahil ayaw na niyang muling mag-krus ang kanilang mga landas. At matagal na rin niyang pinagsisihan ang mali niyang desisyon sa buhay na pumatol sa may asawa para lang sa pera. Kaya nang ipagbuntis niya ako, noon lang niya nalaman na hindi seryoso si daddy sa kanya, ngunit nang malaman ni Lolo Nicandro na ipinagbubuntis ako ni Mommy ay hindi siya pumayag na ipalaglag ako. Kahit anak ako sa labas ramdam ko na minahal ako ni Lolo Nicandro.
“Are you ready, Boss?” tanong sa akin ni Bob.
Tumango ako at ngumiti. “Let’s rock and roll!”
Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon dahil halos limang-taon na rin ang lumipas nang huli kong makita si Kassandra at ito ay ang araw ng kanyang graduation ng college.
Bob kept his eyes on the road and asked me. “Boss, what’s the first thing you’re going to do to stop the wedding?
“Simple lang, I will make love with her. At sisiguraduhin ko na mag-iiwan ako ng marka sa kanyang katawan,” seryosong tugon ko kay Bob habang nakatingin ako sa kawalan.
“Really, Boss? Paano kung ayaw pumayag? Anong gagawin mo?” muling tanong sa akin ni Bob.
I stared out the window, the passing lights cutting across my face in cold, broken streaks. “Simple, I will tell her the truth, that Timothy just using her. And I’ll tear their plans apart before they can reach the altar. I’ll expose every lie they’ve buried, every secret they’ve used to trap her. And when I’m done, that wedding will be nothing but ashes.”
Bob’s grip tightened around the steering wheel. “And if she refuses to walk away?”
My jaw hardened. “Then I’ll make surethe truth leaves her no choice.
Sa daming babaeng nahuhumaling sa akin kayang-kaya ko akitin si Kassandra, kaya nakakasigurado ako na hindi siya makakatanggi sa charm ko. Sa edad kong ito alam ko ang kahinaan ng isang babae at kung paano ito ma-aroused. Wala pang babae ang tumanggi sa mga haplos at halik ko.
Hindi na muli pang nagtanong si Bob sa akin at nag-focus na siya sa pagmamaneho.
Habang papalabas na kami ng Alabang ay napailing ako dahil kung hindi ako nakatanggap ng wedding invitation ay wala akong kalam-alam na ikakasal na pala ang babaeng matagal ko nang inaalagaan at lihim na minamahal.