Makalipas ang ilang linggo . . . Masayang nagsasama ulit si Brix at Kaye. Back to normal. Inaalagaang muli ni Kaye si Brix bilang big boy niya na lagi niyang pinaliliguan, pinaghahanda ng sinusuot habang si Brix naman ay pinagluluto palagi si Kaye. Hanggang sa pumunta sila sa simbahan upang magdasal. Hiningi ni Kaye na sana ay hindi na siya mahihiwalay sa asawa habambuhay ngunit kabaliktaran pala. Pagkatapos nilang magsimba ay nasa malayo si Arissa, nakasakay sa kotseng minamaneho nito at pinagmamasdan sila. Sinundan niya ang dalawa hanggang sa dinala sina Kaye at Brix ng mga paa nila sa lugar na walang katao-tao. "Humanda kayong dalawa! Sinira n'yo ang lahat! Lalo ka na, Brix. Nagpakabaliw ka na sa babaeng 'yan kaya dapat sa inyo ay mamatay!" sigaw ni Arissa at inapakan ang gasolina

