Justine’s POV “Focus! Montefalco! Ano ba?” Galit na sita ni couch sa kanya. Nakailang subok na kasi ito ng three points ngunit ni isa ay walang pumasok sa ring, lahat sablay. Napatitig ako sa kanya. Ramdam kong may pinagdadaraanan ito dahil sa buong duration ng practice nanatili itong walang imik, nakakapanibago. Malayong-malayo sa Adrianne na bibo, mayabang, matabil ang dila, puno ng kumpyansa sa sarili, yung hindi sumasablay sa tuwing sinusubukan nitong i-shoot ang bola at kapag naipasok sinasabayan niya ito ng sigaw. Napatingin ako kay Jerick, maging ito’y ramdam din ang pananahimik ng kaibigan, nagtagpo ang mga mata naming dalawa, sa isang tinginan lang nakuha na namin ang ibig sabihin ng isa’t-isa. Ang kausapin si Adrianne pagkatapos ng practice. Nagpatuloy kami sa paglalaro. Hin

