Dear Diary, PARANG WALA LANG… Pagkatapos ng eksena kagabi ay parang wala lang kay Heart ang nangyari sa amin. Ibang-iba ang Heart na nakita ko kagabi sa Heart na kasama ko ngayon sa trabaho. Balik sa normal ang lahat. She act as if nothing happened. Ano iyon? Bipolar lang? GAGO's Lesson 101 no. 55: Amnesia - Pretend as if nothing happened. To save you for further humiliation, do the KALIMOT STYLE. It works all the time. Kahit siguro sa akin mangyari iyon ay ganoon din malamang ang gagawin ko. Pero bakit ganoon? Pakiramdam ko ay iniiwasan na niya ako. Hindi na rin kami nag-uusap nang madalas hindi gaya ng dati. Iyong mga utos o mga bagay na dapat sa akin niya ipinagagawa ay ipinapasa na niya sa iba. Siya naman itong humalik sa akin at hindi ako. Bakit siya pa ang may ganang hindi mamansi

