Dear Diary, Natapos na ang isang linggong pustahan namin nina Alfred at Vincent. Syempre ako ang nanalo. Iyon nga lang ay hindi ko nakuha yung premyo. Paano ba naman kasi kung kailan iki-click ko na iyong bet ko ay saka naman nawalan ng internet. Kapag mamalasin ka nga naman! Napapansin ko rin ang pag-iwas sa akin ni Heart simula noong insidente sa apartment ko. Ilang beses kong sinubukan na lapitan at kausapin siya ngunit lagi siyang nakahahanap nang paraan para umiwas sa akin. Minsan ay nakita ko siyang nag-aayos ng alak sa stock room. Nilapitan ko siya at sinubukang kausapin. "Heart, puwede ba tayong mag-usap?" Bigla niyang kinuha ang cellphone niya mula sa kaniyang bulsa at nagpanggap na may kausap sa kabilang linya. Anong tingin niya sa ‘kin tanga? Gago ako pero hindi tanga! "Hel

