Ang daming discussions na naganap sa conference pero ang isip niya ay tumatakbo sa kung saan. Dati, wala siyang maramdamang bagot sa mahahabang activities na gaya nito, pero tila nauumay siyang pakinggan ang isang regional supervisor na siyang speaker tungkol sa Magna Carta for Teachers at mga bagong batas patungkol sa DepEd. Ang nais niya lang ay ang hatakin pabilis ang oras. Nabuburyong na talaga siya. Para siyang tanga na napapatingin bigla sa orasan at sa may gawing pintuan. Hindi rin mabilang kung ilang beses siyang napapasilip sa cellphone. She expected a message from him. Nang walang makita, napapabuntung-hiningang itinaob niya iyong muli sa mesa. Nang bigla ay nag-vibrate ang phone niya. Napalingon pa ang mga kasamahan, distracted sa paggalaw bigla ng mesa. Kumain ka na ba? Ang

