Pumailanlang sa buong bulwagan ang malamyos na wedding march habang naglalakad si Margot sa gitna ng aisle patungo sa naiiyak na si Connor. Pati si Lara ay naluluha rin. Ang kasalang Connor at Margot ay isa sa pinakamagandang kasal na nasaksihan niya. Solemn, intimate, elegant. Sinuman ang babae ay papangarapin ang ganito kagandang set up. Napupuno ng crystals ang bawat paligid. Nagkikislapan iyon sa tuwing natatamaan ng mga ilaw. Nakakatuwa lang tingnan. Nakaupo siya kahanay ang mga kamag-anak daw ni Margot na nanggaling pa ng Australia. Si Eman ang tumatayong bestman ni Connor. Hindi niya maiwasang hangaan ang nobyo na napakakisig tingnan sa three-piece suit nito. Siya naman ay nakasuot ng buddy-hugging pale orange dress na hanggang tuhod niya. Naalala pa niya ang reaksyon ni Eman

