62

2384 Words

She kept on telling herself she was ready, pero hindi. Hindi niya inaasahan na magtatagpo sila ni Eman sa mismong araw ng pagbabalik niya. At bakit ito naririto? Dapat ay na kay Isabella ito o sa kung kaninong babae. Gusto niyang kumilos, humakbang patungo sa loob pero nagmistulang nakapagkit ang mga paa niya sa lupa. Tila tumigil ang oras. The world seemed to stop spinning that all she could hear was the sound of the opening of the car door. Hanggang sa nakita niya ang pag-apak ng paang nasasapinan ng rubber shoes sa lupa. Namaybay ang mga mata niya sa itim na pantalon paangat sa sweatshirt na suot nito paakyat pa. Parehong pa rin ang hulma ng katawan ni Eman, parehong bakat na mga masels. Ang tanging nagbago ay ang malagong buhok at balbas nito. He looked so ruggedly handsome as ever.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD