"Boss, naririto na siya." Nagambala ang pag-inom ni Hugo Ramirez nang bumulong ang tauhan sa kanya. Inilapag niya sa mesa ang bote ng whiskey at sa ashtray ang hinihitit na sigarilyo. Ibinigay sa kanya ng tauhan ang cellphone nito. He's glad, this man stayed with him. Pinasadahan niya ng tingin ang larawan ni Isabella na kuha ng tauhan sa cellphone nito. Maganda pa rin ito, walang kupas. Ang mahaba nitong buhok na madalas niyang pagdiskithan kapag inaangkin niya ito ay maganda at makintab pa rin, nag-iba na ang kulay. Sa larawan ay nakasuot ito ng malaking sunglasses, hindi niya makita ang kulay brown nitong mga mata but her lips are still luscious and kissable. Habang tinititigan ito ay nag-iinit ang buo niyang katawan. Naalala pa niya ang unang gabi nila. He was so excited devouri

