“Hayaan ni’yo na lang po muna iyan, Ma, Pa. Saka hindi naman dito matutulog si Romano,” medyo nagulat pa ako kasi namamaos na ang boses ko. “Ano ka ba, Rossa, mag-asawa kayo kaya natural lang na palagi kayong magkasama at siyempre magkatabing matulog. Naku, excited na nga ako magkaapo kasi siguradong mag–” “Ma! Easy lang po muna kayo. Kakakasal pa lang po namin, eh,” putol ko sa kaniya. Ayaw ko muna kasing isipin ang tungkol diyan lalo ngayong masama ang pakiramdam ko. “Tama ang anak mo, Beatrice. Pero ilalabas ko nga muna itong kama at nakakahiya din talaga kay Romano,” sang-ayon naman ni Papa sa akin. Gusto ko man siyang pigilan ay wala na rin akong nagawa. Hinayaan ko na lamang sila. Pagkatapos kung kumain ay nagsipilyo lang ako at uminom ng gamot saka muling natulog. Nang muli akon

