Rossa’s POV “I think Jeany stole your designs and showed it to Mr. De luca. Rossa, kinakabahan ako. Baka magalit lalo sa atin si Sir Oswald at lalong mawala sa atin ang project na ito! I guess this is a way of karma to me, too, because I allowed Jeany to go instead of you!” Naputol ang pag-iisip ko dahil sa problemadong komento ng amo ko. Ako man ay hindi makapaniwalang nagawa ito ni Ate Jeany. Magaling siya at kahit paano ay kilala na rin siya sa ganitong larangan. So, bakit kailangan niyang angkinin ang gawa ko? Baguhan pa lang naman ako at walang-wala pa sa kalingkingan nila. “Ano po ba ang maaari nating gawin, Ma’am?” nag-aalalang tanong ko na rin sa kaniya. Pero hindi agad nakasagot si Ma’am Angelica dahil biglang tumunog ang cellphone ko. Nanlaki pa ang mga mata ko nang makita ku

