“Kapag nalaman kong nambabae si Daddy, siyempre magagalit ako sa kaniya at masasaktan para sa Mommy ko. Baka magdilim pa ang paningin ko!” saad ni Romano. Lihim naman akong napasinghap. “What if sabihin ko sa iyong may kabit ang Daddy mo, maniniwala ka ba?” tanong ko sa kaniya. Sa palagay ko kasi ay deserve din talaga niyang malaman ang tungkol sa ginagawang kalokohan ni Love Bel at ng Daddy niya. “Bakit biglang nauwi sa ganito ang usapan natin? Masiyado ka pang seryoso kaya bigla naman akong kinabahan,” pabirong tanong ni Romano. Pero hindi ko sinabayan ang biro niya at nanatiling pormal ang mukha ko. “Hindi ko alam kung tama ba talagang sabihin ko sa iyo ito o ano, wala rin akong maipapakitang katibayan. Pero sure ako na nambababae ang Daddy mo, Romano. Dinig na dinig ko mismo noong

