Tumango siya sa kapatid niya na mukhang nahihiya kaya naisip umalis. Binalingan naman niya si Jondray na kanina pa tahimik sa tabi niya nang umalis ang kanyang ina’y. Kumunot ang noo niya dahil umiikot ang tingin nito at sinusuri ang mga nakasabit na picture frame sa ding-ding nila. Tumigil ang mga mata nito sa family picture nila. Kung saan kumpleto pa sila at buhay pa ang kanyang tatay. Tumikhim muna ang binata na mukhang may gustong itanong. “Nasaan na ang tatay mo?” Malungkot na ngumiti si Mia. “Wala na siya. Matagal na rin siyang patay.” May simpatya na tumingin sa kanya ang binata. “Sorry. Hindi ko na dapat tinanong pa iyon.” Nginitian niya ang binata at saka tumayo upang kunin ang picture frame nila na nakasabit. Nang makuha niya iyon, muli siyang umupo sa tabi ni Jondray. “

