Dali-daling umalis si Mia sa silid ng binata. Ayaw niyang magising ito na nananatili pa siya sa kuwarto nito. Naligo siya upang mahimasmasan at matapos ayusin ang sarili ay nagtungo siya sa kusina upang magluto. Nasa kalagitnaan pa lang siya ng pagluluto nang marinig niya ang pagbukas ng ref. Nang lingunin niya kung sino iyon parang may kumakarera sa loob ng dibdib niya. Lihim siyang napalunok habang nakatingin sa umiinom na binata. Malamig na tubig ang iniinom nito sa umaga. When Jondray's deep, piercing blue eyes stared at her. She couldn't stop looking at his handsome face, admiring his angular features and piercing eyes. Para siyang nahi-hipnotismo habang nakatingin sa kulay asul nitong mga mata. "Good morning." His deep, somber, yet somehow comforting voice sounded: it sent her he

