THE pain I felt right now is in another level of pain. Hindi ko na alam kung anong pahinga yung gagawin ko sa pagod na nararamdaman ko ngayon. Ang taong nagpapakalma at ang pahinga ko ay isa sa mga taong naglagay sa akin sa ganitong sitwasyon. Umiiyak ako habang nasa ilalim ng shower. Sinabunutan ko ang aking sarili habang humihikbi at umiiyak. Ang tanga ko! Ang araw kung saan may ginawa si Daven kay Avil! Hindi ko man lang napansin na siya lang ang nakakapatahan kay Avil. At doon pa lamang ay alam na niya kung ano ang rason ni Avil kung bakit siya nagkaganun… Pagod na pagod na ako sa mga nalalaman ko paano pa kaya pag ang mga nalalaman ko ay dahan-dahang bubunyag sa lahat ng tao. Kapag may nalaman pa ako… alam kong sasabog na talaga ako. You never know how strong you are until b

