Lumagapak sa pisngi ni Daddy ang kamay ni Mommy. She slapped him so hard. Kaagad ko silang pinaghiwalay, but Mom is unstoppable. Pinagsusuntok niya ngayon ang dibdib ni Dad.
"Nasaan ang anak ko? Saan mo dinala ang anak ko? Hayop ka!" she ranted.
Hindi ako makapaniwala sa reaksyon ni Dad. Parang wala lang sa kaniya ang nangyari, he even had the guts to grin!
"Flora, ipasok n'yo muna ang Ma'am ninyo sa kwarto niya," utos niya sa maid na kaagad naman nitong sinunod.
They are forcing Mom to come with them. So I insisted na ako na lang ang maghahatid sa kaniya pero kaagad akong sinuway ni Dad, dahil mayroon daw kaming importanteng pag-uusapan. Ipinaubaya ko si Mom sa kanila bago sumunod kay Dad sa balcony.
"A-Ano po ang gustong n'yong pag-usapan?" nahihiya kong tanong habang nakayuko. Sa tanang buhay ko, bilang lang sa mga daliri ko kung ilang beses kaming nag-usap.
"How's Korea?"
"P-Pardon?" He raised a brow, "Uh, ayos lang po…"
He sighed heavily. "Good to know."
Hindi ko alam, but there's something with his grin. A weird one. Napaigtad ako nang bigla na lang niyang kuhanin ang magkabilang kamay ko. Usually, when we have a talk, Dad is always formal.
"Alexandra, mahal mo ba kami?" Nahihimigan ko ang alinlangan sa kaniyang boses
Kaagad akong tumango. "Siyempre naman po, kayo ang pamilya ko…"
Mas lalong humigpit ang hawak niya sa mga kamay ko. "Kung gano'n you'll accept my favor, right? You won't say no?"
Hindi pa man ako makasagot kaagad siyang nagsalita. May masamang kutob ako tungkol sa pabor niya. But still I don't have any reason to say no with whatever his favor is. Minsan lang siya lumalapit sa 'kin.
"Oh, you see... Ariella had an accident. She killed Claveria's heiress unintentionally. Claveria is an influential family, maraming koneksyon, mayaman at makapangyarihan. If they found out about the accident ito na talaga ang katapusan nating lahat, even the business of your aunt and uncle's might be destroyed too..."
"T-Then…" I can't understood what he's talking about.
"Please bear her face. The face of that woman—"
"What?" Napaawang ang bibig ko at napailing ng ilang beses. Binawi ko ang mga kamay sa hawak niya. "Dad, you've gotta be kidding me—"
The grin he wore suddenly turned into a thin lips! Does he even think right? Gusto niyang gayahin ko ang mukha ng taong napatay ni Ariella? Para saan? Para linlangin ang mga Claveria?
"So you're rejecting—"
"Dad! Your favor isn't normal. It's ridiculous—"
I didn't continue my sentence when he slapped me causing me to lay down on the floor. Ang hapdi! Kailanman ay hindi niya ako pinagbuhatan ng kamay!
"How could you refuse the man who feeds you? The one who pays for your education! The one who gives you good clothes!" He never lashed out like this.
For my entire life, I have been part of their family. Ni minsan ay hindi sumagi sa isip na sisingilin niya ako.
"Appa…" mahinang bulong ko.
"Don't call me that! I never thought of you being my daughter—"
"Kung gano'n bakit hindi mo na lang ako isinauli sa totoong magulang ko! The moment you found Ariella—" Hindi ko mapigilang pumikit nang mariin habang sinisigaw ang mga salitang 'yon.
"Magulang? So you're hoping on them! Your life is worthless, Ariella! Wala kang magulang, kung hindi dahil sa 'min baka napagkamalan ka ng mga tao na lumabas ka lang sa biyak ng kawayan—"
Hindi siya nakapagpatuloy nang bigla siyang binangga ni Mommy, na kaagad akong dinaluhan. Maybe she heard our yells.
"Ano ba, Rodulfo! Sumusobra ka na sa mga anak natin!" even though she was weak, she struggled to scream.
Pagak na tumawa si Daddy at hinarap kaming nakapameywang. Just like Mom, he had some white hairs too.
"Anak mo lang, Marianne!" sigaw niya at lumapit sa 'min.
Hindi ko alam pero nanginginig ako ngayon sa takot, sa mga oras na lumapit siya sa 'kin habang madilim ang mga mata. By pulling my hair, she made me stood up. My scalp hurts.
"Rudolfu! Ano ba, bitawan mo siya!"
Pilit kong iniaalis ang kamay niya ngunit sadyang malakas talaga siya. I'm shaking with pain now, begging him to let go of my hair. Nakasalubong namin si Daven na mayroong dugo sa labi, when he saw my condition, his chinky eyes widened.
Pilit niyang iniaalis ang kamay ni Dad, sa buhok ko. Like me and Mom, he's powerless too. Wala siyang nagawa kundi ang magmakaawa na bitawan ako. I know that he can't fight back to Dad, because he has too much respect for him.
Dinala niya ako sa isang madilim na hallway ng bahay, habang nakasunod pa rin sina Daven at Mommy sa likod namin.
"Uncle, please let go of her hair!" It was Daven.
Nang mabuksan niya ang pinto kaagad niya akong padabog na inihagis. Napasalampak ako sa sahig habang umiiyak. Dinadama ang hapdi ng mga anit ko.
Before he closed the door, he fumed violently, "D'yan ka lang hanggang sa magbago ang isip mo at pumayag ka na sa pabor ko!" He is smirking evilly. "I'll tell you a secret. A secret that is really going to change your mind! Your f*****g mother is sick. She has an illness called leukemia! Hindi pa ba sapat 'yan para magbago ang isip mo?"
Kaagad akong tumayo at pinagbabayo ang pinto. It was so dark! I've got a phobia in darkness! Oh, Dammit!
"Dad, please open this up…" Bukod sa pilit kong binubuksan ang pinto wala akong magawa kundi ang umiyak.
I heard their foot steps slowly fading. Napahikbi ako nang makitang mga kahon lang ang kasama ko sa silid na 'to. What if there's a ghost here? I instantly hugged my knees with that thought, and buried my face between my thighs.
Ang daming taong nakapaligid sa akin pero bakit kailangang sila pa ang magbago? Bakit kailangan pang may magbago? Why?
They're no longer the family I met nineteen years ago.
Kaibigan ko sila pero bakit nagseselos ako sa tuwing nakikita kong sila ang napipili ng mga mag-asawang hindi kayang magkaanak?
Bakit ayaw nila akong piliin? Mabait naman ako ah! Kaya kong gawin lahat ng gawaing bahay! Bakit hindi na lang ako? Malungkot akong nakaupo dito sa maliit na parke sa Orphanage Center, kung saan ako iniwan ng mga magulang ko.
Natigil ako sa pagduduyan nang makakita ako ng anino sa harapan ko. Hindi ko mapigilang tingalain siya. Ngumiti siya sa 'kin, ang ganda niya tapos ang ganda pa ng kutis ng balat! Halatang mayaman! Hindi ko mapigilang mapanguso sa kaniya bago bumalik sa pagduduyan.
"Mag-isa ka lang yata?" tinanong niya ako sa isang malambing na boses.
"Dahil nalulungkot ako."
"Uh, bakit?"
"Hindi na ako magkakaroon ng pamilya." Napabuntong hininga ako. Nakakalungkot naman.
Dinig ko ang mahina niyang tawa, sinabayan niya ang ritmo ng duyan ko. "Ngayon may pamilya ka na."
Napalingon ako sa kaniya. "Malaki na ako, wala nang aampon sa 'kin—"
"Kami ang mag-aampon sa 'yo," nakarinig naman ako ng ibang boses.
"T-Talaga?" naiiyak kong tanong sa kanila.
Ngumiti sila sa 'kin nang napakatamis at inilahad ang mga kamay nila sa 'kin. Tinanggap ko iyon ng buong puso.
The moment I gave my hands on them, is the moment I gave my whole life to them.
I reminisced all the past. Pilit naghahanap ng rason kung bakit nasabi 'yon ni Daddy!
"Alexandra…"
Kaagad akong napabangon nang marinig ang mahinang boses ni Daven. Thank God, he's here! Dinikit ko ang tenga ko sa pintuan para marinig nang maayos ang sasabihin niya.
"Daven, help me please…" pagmamakaawa ko sa kaniya.
"I want to, but I can't find a way. Mahigpit si Tito."
Bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya at napasandal sa pintuan. Napatingin ako sa cellphone na biglang lumabas sa tabi ko.
"Gamitin mo muna 'yang pansamantalang ilaw mo. Tanging contact number ko lang ang inilagay ko d'yan, call me if the battery runs out—"
"Aiish! Bakit sa 'yo lang?" naiinis na tanong ko habang kinakalikot ang cellphone.
"May plano ako, Alexa. Ayokong sirain mo 'yon sa pamamagitan ng paghingi ng tulong— ah jeongmal!"
My eyes widened. Nahuli ba siya?
"Daven! Daven are you still there?"
When I heard him sighing heavily, I felt relief. "Akala ko sino. Ikaw lang pala, Tita."
Andito si Mommy? Anong ginagawa niya rito? Baka mahuli pa siya!
Pinakinggan ko ang pabor niya kay Daven na bigyan muna kami ng privacy para makapag-usap, ilang segundo ay narinig ko ang mga yapak na paglayo ni Daven. Dinig ko ang mga mabibigat niyang pagbuntong-hininga.
"Umalis ka na, baka mahuli ka pa." I pushed her away using my tired voice. "Gwaenchanh-a? Dapat nagpapahinga ka ngayon!"
"I know his favor. His absurd favor, to be precise." She chuckled a little, she still couldn't believe her husband's favor. "I've got to tell you something, Sweetie..."
That endearment…
"You asked me about this several times and you didn't hear anything from me." I know what she's up to. Both of my ears are on her. "Mother of yours... is the best mother I know."
Did they meet then? "Then you..."
"Yes, I met her. Actually, she's the first one who approached me. No'ng una natakot ako nang nagpakilala siya sa akin bilang ina mo. I pushed her away because I thought she was going to take you from me, but I was wrong. Very wrong. Gusto niyang pumasok bilang kasambahay, then she promised she wouldn't even go one centimeter close to you, she just wanted to see you grow kasi ikaw lang daw ang nag-iisang anak niya. Pumayag ako sa alok niya." She remembered everything like it had just happened yesterday.
Akala ko ay ubos na, but my eyes let go of my tears. "So she was there by my side, all the time?" hindi ko makapaniwalang tanong.
"Yes, Sweetie, kahit no'ng nasa orphanage ka pa. Nandoon siya gumagabay sa 'yo. Hindi siya nagpakilala sa 'yo, sa dahilan na nahihiya siya sa ginawang pag-iwan niya sa 'yo sa orphanage na 'yon—"
"Kung nando'n siya from all that time… edi sana alam niyang uhaw na uhaw ako sa pag-ibig! Hindi ba sapat 'yon para hindi siya magpakilala sa 'kin?"
"I asked the same thing, but she refused to answer. I observed, you and her getting close to each other when I employed her. She broke her promise. At that time, I was so paranoid. I was so crazy, so mad, kaya gumawa ako ng paraan para kamuhian mo siya. I set her up in a situation where she stole my necklace—"
Mas lalo akong napaiyak nang maalala kung sino ang tinutukoy niya. "Sabihin mong mali ang iniisip ko! Please!"
"I no longer want to lie to my youngest daughter anymore..." And she started to shed a tear. "Tama ang iniisip mo ngayon."
"f**k! f**k! No! No! You're not telling the truth! Stop! Please stop! How can you do this to me…"
The woman she was talking about is dead, eleven years ago!
I've been there...
When the accident happened, I was there!