"THIS is not the way back to Sage's penthouse." Maarteng wika ni Ariella habang nakaturo sa daang tinatahak namin. Ngumuso ako habang nagmamaneho. "Hindi na tayo babalik doon." "Ha, bakit?" "Hindi naman talaga tayo doon titira, Ariella. Naghahanap na ako ng matitirhan mo but I have to show you something first..." Paliwanag ko habang sa gilid ng aking mga mata nakita ko kung paano kumunot ang noo niya sa huling sinabi ko. "...pupunta tayo sa orphanage ni Astrid." Dugtong ko na siyang ikinalambot ng kanyang mukha. Ito ang plano ko kagabi na isa rin sa mga natulugan ko. I'll bought a condominium for her using Astrid's money. Bigla siyang napaisip sa sinabi ko tungkol sa pagbili ng condominium. "Bibili ka?" Tumango ako. "Oo, so that you can have your own privacy." Ngumiwi siya

