SHE smiled so weakly to me. She's wearing a orange shirt at sa likod ay mayroong nakaprinta na malaking letra P. Walang kolerete ang kanyang mukha ngayon, this is the first time I saw her with a barefaced. Gaya ng sabi ni Dale, dinalaw ko si Avil nang makalabas na ako sa hospital. Kami lang ang dalawa sa loob ng kwarto at mayroong isang pulis na babae ang nakabantay sa amin. "Hindi pa ba siya gumigising?" Matabang niyang tanong patungkol kay Sage. Mahina akong umiling. Kahit pa man hindi sila magkadugo ni Sage, alam kong napamahal na sila sa isa't-isa. Kita sa kanyang mata na kinukulangan aiya ng tulog. Siguro ay hindi siya makatulog dahil hindi siya sanay. Yumuko siya at bumuntong hininga ng malakas. Hindi ako umiimik o nagbubukas ng topic… hinihintay ko na manghingi siya ng p

