SAGE and the mayordoma, alongs so well. Kaya pala ganun na lamang ang galit sa akin ni Sage nang awayin siya ng mayordoma dahil sa mga salitang sinabi ni Astrid sa mayordoma. Tahimik akong kumakain habang silang dalawa ay masayang nagkukuwentuhan and guess what? I am their freaking topic! Hindi na nahiya sa akin. Tss. Bumabagabag pa rin sa akin ang litrato na nakita ko sa kwarto ng ama ni Astrid at mas lalo na ang headline ng dyaryo. Minsan ay parang sinasali ako ng matanda sa kwentuhan nila ni Sage, she is trying to make me forget what I saw. Nararamdaman ko 'yon. "Ayaw niya sa lumpia na ang laman ay gulay? Impossible, 'yan ang paboritong pagkain niya." In my peripheral vision, nakita ko kung paano dahan-dahan napalingon si Sage sa akin with his brows furrowed. "But she hates i

