NYX ARIANE'S POV Hindi rin nagtagal si Vodie sa opisina ko dahil may meeting pa daw ito kay Kuya Harley. Bago siya umalis ay binalaan pa ito ni Trish. "Goodluck, Vodie! Wala 'yun sa mood ngayon." sabay kindat nito. "I can handle that." tawa ni Vodie bago ako binalingan. "Check your phone, huh?" sabi lang nito bago magpaalam. Tumango lang ako at lumabas na siya. Nanliliit ang mga mata ni Trish nang balingan niya ako. "What?" maang na tanong ko at agad kinuha sa bag ang phone ko. "So, nagkita pala kayo ni Kyle?" Usisa nito. "Uh-huh." sagot ko at bahagyang napangiti nang may biglang nag-pop up na message galing kay Vodie. Agad na binuksan ko iyon. "So? Ano? Nakikipagbalikan ba?" usisa parin nito. Umiling ako. "Nope." Simpleng sagot ko. Napangiti ako sa message ni Vodie. Tinatanong ka

