NYX ARIANE'S POV Hindi ko na magawang isipin kung saan ako pwedeng tumuloy sa gabing ito. Wala na rin akong pakialam kung makita man nila akong luhaan ngayon. Ang gusto ko nalang ay makalayo sa lugar na ito at makalayo sa kahit na anong magpapaalala sa akin kay Vodie. "Nyx?" Bahagyang pinunasan ko ang mga mata kong nanlalabo dahil sa hindi maawat na pagdaloy ng mga luha. Nakita ko sa harapan ko ang nag-aalang mukha ni Trish. Imbes na magsalita ay niyakap ko nalang sya. "What happened?" tanong nito. "Bakit ka umiiyak?" Umiling ako at lalong bumuhos ang mga luha sa mata ko. I really hate it when someone's trying to comfort me when I am crying. Lalo lang akong naiiyak. "I... I am letting him go..." Masakit ang bawat salitang lumalabas sa bibig ko. "Dito na nagtatapos ang lahat sa amin,

