NYX ARIANE'S POV "Nyx, ano? Matagal ka pa ba dyan?" rinig kong tanong ni Vodie habang kinakatok ang pinto ng kwarto. Napasimangot ako habang kinukuha ang pouch sa ibabaw ng kama. "Kung ginising mo lang sana ako ay hindi sana tayo nagmamadali ngayon!" nagngingitngit na bulong ko habang pinapasadahan ng tingin ang sarili ko sa salamin. Napangiti ako nang makitang maayos na maayos ang fit sa'kin ng napili kong dress. "Just a seconds, Vodie!" sigaw ko at nag-spray ng paborito kong pabango bago nagpasyang lumabas na ng kwarto. Naabutan ko syang nakahalukipkip at halatang iritado na sa gilid ng pinto. Agad na napatingin sya sa akin at magsasalita pa sana pero hindi nito naituloy dahil naging abala na ito sa pagsuri sa kabuuan ko. Mula sa pagsuri nya sa kabuuan ko ay nag-angat sya ng tingin

