BS#3 C17 MARGA POV “Marga, sige na magbihis kana, baka ma-late tayo.” Masama kong tiningnan si Sofia dahil sa sinabi niya sa akin. “Hindi mo ba nakikita ang itsura ko? Gusto mo bang pagtawanan ako sa buong campus?!” Hindi ko napigilan ang sarili ko na sigawan siya. Bakit ba kasi pinipilit niya akong pumasok? Nakikita niya naman sana ang mukha ko. “Magagalit si Sir Elias, kapag hindi ka papasok..” “Wala akong pakialam! Kung gusto niya, bugbugin niya ulit ako! Do’n naman siya magaling.” Pinunasan ko ang aking pisngi ng maglandas muli ang mga luha ko sa aking mga mata. “Pumasok ka nalang Sofia, ‘wag mo na akong intindihin.” Wika ko at humiga sa kama. “Ayaw mo bang bumait si Sir sa ‘yo?” Napalingon ako sa kanya, habang hindi ko mapigilan na mapahalakhak. “Nagpapatawa ka ba? Si Elias?

