BILLIONAIRE SERIES #3 C6
MARGA POV
“You!” Napalingon ako at nakita ang galit na mukha ni Sha. Huminto naman ako at hinintay siya.
“What?” taas kilay kong tanong sa kanya.
“Did everyone here know everything last night?” napansin ko namang natigilan siya dahil sa sinabi ko sa kanya.
“Oh! I think hindi pala?” natatawa kong wika sa kanya.
“Don’t ever say it!”
“But why? maybe they deserve to know what my brother did to you last night in our restaurant!” Sinadya ko talagang lakasan ang aking boses habang sinabi ang restaurant.
“Anyway, may sasabihin ka pa ba? kasi nagmamadali ako eh! I want to eat na kasi!” Wika ko habang pinakita sa kanya ang aking black card.
“Oy! ‘di ba ang rumor naghihirap na sila?”
“Oo nga! at paano siya nagkakaroon nang kapatid? ‘di ba nag-iisang anak lang siya?” narinig ko namang wika sa mga kaklase kong mga tsismosa.
“Anong sinabi n’yo? Anong naghihirap? Nakita n’yo ba ‘to? meron ba kayo nito?!” Inis kong sigaw sa kanila habang yumuko lamang sila.
“At ikaw Sha! Kung ayaw mong gawin ulit nang brother ko ‘yon sa ‘yo! Umayos ka at higit sa lahat… ‘wag na ‘wag mo akong babanggain!” Wika ko at iniwan siya.
Balak ko pa sanang mag kape pero nawalan na ako nang gana dahil sa mga tsismosa kong mga kaklase at school mate. Ang kapal talaga nang mga mukha nila para sabihing naghihirap ako.
Hmmm, pero paano kaya kapag malaman nilang naghihirap talaga kami ni Daddy? Ano nalang ang mukhang ihaharap ko sa kanila?
Gosh! Marga! If you need to always beg Elias, do it!
Napatingin ako sa professor namin nang pumasok na ito. pero namilog ang aking mga mata nang makita ko si Elias na kasama niya.
“Good morning everyone. He’s Mr. Elias Johnson the owner of this school.” Namilog ang aking mga mata dahil sa sinabi nang professor namin. Habang ang mga kaklase ko naman ay napasinghap.
Totoo ba ‘yong narinig ko? siya ang may-ari nitong paaralang ‘to? pero bakit siya narito? Bakit niya pinakilala ang sarili niya sa lahat?
“And he is the brother of Miss. Margaret Williams.” Lalong namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi ni prof. ang mga kaklase ko naman ay naririnig ko ang pag-bubulungan nila.
Tulala pa rin ako kahit wala na si Elias dito sa loob ng room namin. Bakit niya ba ginawa ‘yon? Ang akala ko pa naman ayaw niyang malaman nang iba na magkapatid kami. Pero bakit siya nagpakilala sa lahat bilang kapatid ko?
“Oy! Marga! Totoo bang kapatid mo ‘yong may-ari ng school? Ibig sabihin may-ari ka rin dito?” Umirap naman ako dahil sa tanong nang isa kong kaklase.
“Hindi ba obvious?”
“Kaya ka pala laging nananalo dahil anak ka rin pala nang may-ari.” Lihim naman akong napangiti dahil sa sinabi nang isa kong kaklase.
“Alam n’yo naman na hindi ako mayabang, kaya ayokong ipaalam sa lahat na anak ako nang may-ari!” mayabang ko namang wika habang tiningnan si Shan na masamang nakatingin sa akin.
“Kaya guy’s let’s go, ililibre ko kayong lahat!”
“Talaga Marga?”
“Oo naman! Ano namang silbi nito kung hindi ko gagamitin ‘di ba?” Wika ko habang itinaas ang aking black card.
“Marga, mas masarap kumain sa labas. bakit hindi nalang tayo ro’n? pwede naman tayong lumabas ‘di ba?” napahinto naman ako dahil sa sinabi ni Rena.
“Sorry, pero hindi ako pwedeng lumabas, si Kuya kasi ang magsusundo sa akin later at aalis pa kami,” pagsisinungaling ko naman sa kanila dahil mahigpit na ipinagbabawal sa akin ni Elias ang lumabas. Baka kasi malalagot ako kapag susuwayin ko siya.
“Kaya, rito nalang tayo, kung ayaw niyo naman eh ‘di bahala kayo!” Aniko habang tumayo.
“Ikaw Sha!gusto mo bang sumama?” asar ko namang tanong sa kanya dahil alam kong sobrang inggit na niya sa akin ngayon.
“Kung magkapatid kayo ni Mr. Johnson. Bakit magkaiba kayo nang surname?” taas kilay niya namang tanong sa akin kaya natigilan ako.
“Hmm, actually Johnson naman talaga ang surname ko, pero hindi ko lang ito ginagamit, kasi alam n’yo naman hindi ako mayabang.” Madiin kong wika habang tinalikuran siya. agad namang sumunod sa akin ang mga kaklase namin kaya lihim akong napangiti. Maganda rin pa lang pumunta rito ‘yong Elias na ‘yon dahil nagagamit ko siya para mas lalong maging sikat sa campus.
“Sige lang kumuha lang kayo, kahit anong gusto niyong kainin!” mayabang kong wika sa mga kaklase ko. actually simula pa naman dati mahilig na talaga akong manlibre sa kanila, kaya nga laging nag-lilikramo si Dad sa allowance ko.
Napatingin naman ako sa janitor na naglilinis dito sa loob ng canteen kaya tinawag ko siya. simula kasing alilain ako ni Elias ay nararamdaman ko na ang hirap at pagod na nararamdaman nila. Kung dati ay wala akong care sa kanila, ngayon ay parang gusto ko na silang tulungan. Dahil nakita ko ang sarili ko sa kanila.
Alam ko kasi na kapag nasa bahay na ulit ako ay hindi na ako magbubuhay reyna na katulad sa ginagawa ko ngayon dito sa campus.
“Bakit n’yo po ako tinatawag Ma’am?” Tanong niya habang tumayo ako sa upuan.
“Kumain na po ba kayo?” pansin ko naman ang pag-tataka sa kanyang mukha dahil sa tanong ko sa kanya.
“M-mamaya pa po ako kakain Ma’am, hindi pa naman po ako tapos sa paglilinis dito..”
“Ayos lang po ‘yon, pwede naman po kayong kumain muna at balikan n’yo nalang ‘yang ginagawa n’yo mamaya kapag tapos na po kayong kumain.”
“Naku Ma’am, ang mahal po ng mga pagkain dito.” Nahihiyang wika niya sa akin habang napapakamot siya sa kanyang ulo.
“’Wag po kayong mag-alala, ako po ang bahala…” Ani ko habang hinawakan siya at sinamahan para mamili ng gusto niyang pagkain.
“S-sigurado po ba kayo Ma’am?”
“Oo naman! ‘yan nga sila, nilibre ko eh!” ngiting wika ko sa kanya.
“Pero para pong nakakahiya Ma’am na kumain dito..”
“’Wag po kayong mahiya, kung gusto n’yo po sabayan n’yo nalang po ako,”
“K-kayo po? Sasabay sa akin sa pagkain?”
“Oo naman? Bakit po hindi ba pwede?” Napahinto ako habang nakita ko siyang nagpunas sa kanyang luha.
“T-teka lang po, wala naman po akong ginagawa sa inyo… pero bakit po kayo umiiyak?” taka kong tanong sa kanya.