"Hindi ka ba nalulungkot na mag-isa ka lang sa apartment mo?" tanong ni Lazarus habang kumakain sila. Day off ngayon ni Laureen at niyaya niyang kumain silang dalawa ng dalaga sa labas. Akala niya nga, hindi papayag si Laureen dahil madalas naman itong tumatanggi. At damdamin naman niyang walang pagtatangi sa kanya ang dalaga. Iyon ang ikinaiinis niya. Sanay siyang palagi siyang natitipuhan ng kahit sinong babae. Ngunit si Laureen, napapansin niyang parang wala itong pakialam sa kanya. Hiling niya, sana magkaroon naman ng pakialam sa kanya ang dalaga at mapansin ang ginagawa niya. "Hindi naman... sanay naman akong mag-isa. Bakit ikaw? Nabanggit mo sa akin na mag-isa ka lang din sa malaki mong bahay 'di ba?" nakaarko ang kilay na wika ni Laureen. Mabagal siyang tumango. "Oo sanay nga

