May malawak na ngiti sa kanyang labi si Laureen dahil ngayong araw ang unang araw niya bilang staff sa HR department. Kinikilig siya ng sobra dahil sa wakas, natupad na rin ang pangarap niyang maging staff sa isang kompanya. Dati kasi akala niya, hanggang sideline lang ang magiging trabaho niya. Pero ngayon, mayroon na siyang maayos na trabaho. "Magandang araw, ma'am Harris!" bati sa kanya ng department head. Nalukot ang mukha ni Laureen. "Huwag niyo na po akong tawaging ma'am Harris. Kahit Laureen na lang po." "Naku, nahihiya po ako. Asawa po kayo ng CEO. Bakit po pala bilang staff lang ang nais niyong maging position dito? Bakit ayaw niyo po ng mas mataas na posisyon? Like, secretary po kayo ni sir Lazarus?" Mabilis na umiling si Laureen. "Hindi na. Baka wala kaming matapos na trabah
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


