"Wala akong masabi sa mga magulang mo. Sobrang bait nila. Hindi ko alam kung paano ko masusuklian itong niregalo nila sa akin. Pero paano pala kunwari kapag naghiwalay tayo, babawiin ba nila ito? Hindi kasi ako papayag eh," wika ni Laureen sabay tawa. Humaba naman ang nguso ni Lazarus. "Kapag nagbigay iyon, hindi nila binabawi. At saka bakit mo ba iniisip na maghihiwalay tayo. Gusto mo na ba akong hiwalayan?" "Hindi baliw. Malay ko ba kung isang araw may makita ka diyang magandang babae na mauuto mo at mapapasunod mo. Eh ako hindi mo naman nagagawa sa akin iyon. Hindi mo ako mapapasunod, titipie. Ikaw ang susunod sa akin," nakangisi niyang sabi sa kanyang nobyo. Nagkibit balikat si Lazarus. "Ayos lang naman sa akin kahit na maging sunud-sunuran mo ako. Walang problema sa akin iyon. Ibig

