"Ate... I'm sorry po. Huwag niyo po sana akong tanggalin sa trabaho. Kailangan na kailangan ko po ng income," pakiusap ni Laureen na maiiyak na.
Sa kanilang likuran nakatayo si Lazarus habang nakikinig sa kanilang usapan. Inayos na ang gulo kanina. Nalinis na rin ang mga nagkalat na basag na bote.
"Huwag kang mag-alala dahil hindi naman kita tatanggalin. Sila ang may mali at hindi ikaw. Binastos ka niya. Kaya dapat lang din sa lalaking iyon ang ginawa mo," sagot ni Melissa.
Bumuntong hininga si Laureen. "Hindi naman kasi porke maraming kabataan ngayon ang pa-walk, ganoon na rin ang iba. Mukha lang po akong ganoon dahil sa asta ko at sa bunganga ko pero hindi ako ganoon, ate. Wala nga akong sugar daddy na tinatawag nila. Pero mayroong nag-aalok sa akin. Marami sila. Ayoko lang talaga 'no! Kadiri kaya! 'Di ko maatim na kulubot na tití ang papasok sa p***y ko!"
Muntik ng maibuga ni Lazarus ang iniinom siya nang marinig niya iyon. Mariin siyang napapikit habang si Melissa naman ay tawa nang tawa.
"Tarantada ka talaga! Pero seryoso, sa ganda mong papayag ka bang mapasukan ng kulubot na títi? Syempre hindi 'di ba? Doon ka na sa lalaking guwapo at kasing edad mo kang din para hindi lugi!" tumatawang wika ni Melissa.
"Yes korek ka po diyan, ate pero syempre, ayoko muna. Masyado pa akong bata. Kaka-debut ko pa lang no'ng nakaraang buwan. Saka na lang kapag naisipan ko ng mag-boyfriend. O 'di kaya kapag tumibok na pusp ko. Sa ngayon kasi ang mga lalaking nakakasalamuha ko puro malalandi. Puro kantután ng nasa isip. Mga gago," gigil na wika ni Laureen habang nagpupunas ng table doon.
"Oo tama ka. Pagkatapos nilang tikman, iiwan na. Dapat doon ka pa rin sa lalaking mahal ka. Para hindi ka naman lugi kahit ibigay mo pa ang sarili mo sa kaniya. Iyong lalaking seryoso talaga sa iyo at handa kang ipaglaban sa kahit na sino."
"Tama ka diyan, ate. Pero saka na po. Gusto ko munang mag-enjoy sa pagiging dalaga ko. Mahirap na baka mabuntis pa ako. Ako rin po ang kawawa."
"Okay sige. Basta kapag may nambastos ulit sa iyo, labanan mo. Huwag mong hayaang bastusin ka. Huwag kang kumalma. Ako ang bahala sa iyo. Ang mga dapat nagpupunta dito ay nag-iinom lang, nag-aalis ng problema at naglilibang. Hindi ito club para dito sila gumawa ng kabastusan nila. Mga buwisit," wika ni Melissa bago umalis.
Bumuntong hininga si Laureen. Mabuti na lang talaga, mabait ang amo niya at naiintindihan siya. Wala na kasi siyang kapera-pera kaya kailangan na talaga niya ng trabaho.
"Bakit dito mo pa kasi naisipang pumasok? Hindi maiiwasan ang mga lalaking manyakis dito. Maganda ka naman. Bakit hindi ka na lang naging model?" biglang sabi ni Lazarus
Humarap sa kaniya ang dalaga. "Trauma na ako sa ganiyan."
"Bakit?"
"Mga manyakis din. Akala ko, photoshoot lang ng produkto nila pero pinaghuhubad na ako. Kung hindi lang ako lumaban baka nagahasa na ako sa studio nila. Mga kupal. Mga manyakis ang hayop. Kaya mas mainam na ang trabaho kong ito. Hindi man malaki ang sahod ang mahalaga, mabait ang amo ko at babae pa."
Tumango- tango si Lazarus. "Okay fine. Huwag ka kasing magsusuot ng mga revealing na damit para hindi ka bastusin."
Nakapamaywang na nilapitan ni Laureen ang binata. Umarko ang kilay ni Lazarus.
"Gago ka ba? Nakasuot ba ako ng revealing na damit ngayon? Naka-leggings ako at mahabang damit pang itaas para hindi kita ang bakat ng p***y ko. Revealing ba ito? Sinisi mo pa sa pananamit naming mga babae. Kayong mga lalaki, talagang mga malilibog kayo. Natural sa inyo iyan. Kaya huwag niyong isisi sa damit na suot namin. Kung talagang manyakis kayo, manyakis kayo! Iyon lang iyon!" galit na wika ni Laureen bago umalis sa harapan ni Lazarus.
Asar na tumawa ang binata bago nilagyan ng alak ang kaniyang baso. Nakasunod ang tingin niya sa dalaga bago napailing.
'Bakit ang init ng ulo niya? Lakas ng topak. Wala namang masama sa sinabi ko.'
Hindi napansin ni Lazarus na marami na pala siyang nainom. Tumayo na siya at saka lumabas na ng bar na iyon. Nagpahangin siya sandali upang maalis ang tama ng alak sa kanya. Mayamaya pa, nakita niya si Laureen na lumabas. Bumili ito ng pares sa labas at saka kumain. Nilapitan niya ang dalaga.
"Bakit ka kumakain niyan? Madumi iyan di ba?"
Asar na tumingin sa kaniya ang dalaga. "At paano mo nasabing madumi ito? May tae ba dito? May uod ba? Nakikita mo ba ang germs? Palibhasa mapera ka kaya para sa iyo, madumi ang pagkain na ito. Bobo! Umalis ka nga dito kung hindi ka naman pala kumakain ng ganito! Lakas ng tama mong hayop ka. Nanggigigil lang ako sa iyo!" bulyaw sa kaniya ni Laureen bago humigop ng sabaw ng pares.
Pinagmasdan niya ang mga taong kumakain sa paresan na iyon at nakikita niyang nasasarapan ang mga ito. Kaya naman na-curious siya sa lasa at saka umo-order na rin. Naupo siya sa tabi ng dalaga na agad siyang tinawanan.
"Tingnan mo nga naman ang gagong ito. Sabi niya madumi raw pero kakain din pala? May ubo yata ang utak mo eh!"
Hindi nagsalita si Lazarus. Humigop siya ng sabaw ng pares na iyon at saka ninamnam ang lasa. Umarko ang kilay niya nang malamang malasa iyon at masarap. Napakalambot ng laman ng baka. Natutunaw sa kaniyang bibig. Naging sunod-sunod ang pagsubo niya. At pinagpawisan siyang bigla dahilan para mawala ang tama ng alak sa kaniya.
"Ano? Masarap di ba? Palibhasa sanay kang kumain sa mga mamahaling restaurant. Hindi mo sinusubukang kumain sa mga ganitong klase kainan. Tsk."
"Ang ingay mong babae ka. Kumain tayo 'di ba? Bakit hindi mo na lang itikom iyang bibig mo? Nakakarinding pakinggan. Malay ko ba na masarap pala ito? Hindi ko naman kasalanan kung marami akong pera kaya sanay akong kumain sa mamahaling restaurant," mayabang na sabi ni Lazarus.
Napailing si Laureen sabay irap. "Ang yabang talaga. Kabuwisit."
Tumikhim si Lazarus. "Tsk. Ang ingay talaga. Palibhasa dalawa bibig kaya ang ingay."
Nanlaki naman ang mata ni Laureen nang ma-gets niya ang sinabi ng binata.