"Bakit ngayon ka lang yata pumasok? Nagkasakit ka ba?" tanong ni Marvin nang pumasok na si Laureen. "Ah .. oo nahilo ako. Siguro sa pagod kaya hindi muna ako pumasok. Bakit? Hinahanap mo ba ako?" sabi naman ni Laureen. Nginitian niya ang dalaga. "Syempre. Palagi naman kitang hinahanap. Ako lang yata ang hindi mo hinahanap eh." Alanganing ngumiti si Laureen sabay kamot sa ulo. "Hindi naman sa ganoon pero kasi 'di ba? Focus ka na muna sa sarili mo. Alisin mo na kasi ako sa puso't isipan mo para hindi mo na ako hinahanap pa." Bumuntong hininga siya sabay tingin sa ibang direksyon. "Kung madali lang gawin iyon, matagal ko ng ginawa. Kasi hindi ganoon kadali iyon, Laureen. Hindi ganoon kadaling basta na lang kita alisin sa puso ko. Bakit kasi ayaw mo akong bigyan ng chance?" "Marvin, kaibi

