CONSTANTINA'S POINT OF VIEW "Tingin mo anong magandang gawin?" tanong ko kay Zack matapos kong sabihin sa kanya ang nalaman ko sa mga students ko. Hindi naman siya nagsalita dahil malalim ang iniisip niya. "Kung mas makakakuha tayo ng information sa pagiging student pero hindi ko alam kung sinong ipapadala doon. Mas maganda kasi kung mukhang weak pero malakas." Tumango naman ako sa sinabi niya. "Magandang idea, weak but strong," sagot ko. "Yeah, mas madaling makakakuha ng atensyon pero wala naman akong ganung tauhan, delekado naman kung kukuha ako ng bago baka mamaya spy pala iyon." Tama siya, mahirap ng kumuha ng bago hindi mo alam kung pagkakatiwalaan ba siya. "May naisip ako pero..." "Pero?" takang tanong ko, ayoko talaga sa lahat ang binibitin ako, malakas nag curiousity ko hindi

