CONSTANTINA'S POINT OF VIEW "Ma, Pa, alis na po ako," sabi ko ng marinig ko na ang busina. "Sige anak mag iingat kayo," sabi ni Mama. "Opo," sabi ko saka lumabas ng bahay. Pupunta kami ngayon ni Zack sa isang party, na invite si Zack na dumalo sa wedding anniversary ni Mr. Oliver, isang tanyag na business man dito sa pilipinas, pwedeng magdala ng date kaya sinama ako ni Zack. Sa private ship gaganapin ang party at doon na rin kami matutulog. "Bakit?" tanong ko ng pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa. "Kailangan ba talagang may slit ang gown mo?" tanong niya, gusto kong umirap sa sinabi niya. Ayan na naman siya sa pagka over protective niya. Naka off shoulder silver mermaid gown ako dahil silver ang theme ng party. "Mas maganda ang may slit para madali akong makalakas," sagot k

