CONSTANTINA'S POINT OF VIEW "Ito na ba si Thunder?" tanong ni MAma ng makita si Thunder. "Opo," sagot ko. "Thunder, bless ka kay lola." Sinunod naman niya ang sinabi ko. "Ay kay gwapo naman ng batang ito," sabi ni Mama. "Oo nga tita, ang malas lang ng totoong nanay niya," sabi ni Catherine. Napabuntong hininga naman si Mama. "Kapag naaalala ko iyong dati hindi ko maiwasang magalit, sino bang ina ang itatapon ang anak? Ang daming mga nanay na gustong mag kaanak na hindi pinapalad pero ang iba, ang dali lang itapon ang anak nila," sabi ni Mama. 'Yun nga eh, kung sino pa ang mga nangangarap na maging nanay sila pa ang hindi pinagpapala pero ang iba nagagawa nilang itapon ang anak nila. "Kalimutan na lang natin iyon, ang mahalaga ay lumaking malusog si Thunder," sabi ko. Ipapangako ko

