CONSTANTINA'S POINT OF VIEW "Anak sigurado ka ba talaga na ipapa-manage mo sa akin ang Constina?" tanong ni Mama sa akin. Umuwi ako para itanong kung pwede ko siyang maging manager. "Oo naman Ma," sagot ko. "Pero hindi ako nakapag tapos ng college," sabi ni Mama. "Ma naman, nanay kita swempre wala na akong pakielam kung nakapag tapos ka o hindi, saka kahit na undergraduate ka napakatalino mo kaya, kaya nga kami matalino ni Kuya dahil sa 'yo," sabi ko. Sobrang talino ni Mama, kaya lang siya hindi nakapag tapos nung nabuntis siya ni Papa. Hindi naman nila ginusto ang nangyaring iyon, parehas silang lasing nung panahon na iyon kaya dahil doon huminto sa pag aaral si Mama ganun din si Papa dahil kailangan niyang mag hanap ng trabaho para sa magiging anak nila. Mabuti na lang talaga hin

