CONSTANTINA'S POINT OF VIEW "Happy new year Lennox," sabi ni Terrence sa akin pagdating ko ng canteen ng school. "Happy new year," bati ko at umupo. "Ikaw pa lang?" "Oo, kailangan ko kasing ipasa agad ang project ko kaya maaga akong pumasok," sagot niya pagkatapos niyang uminom ng juice. "Ikaw bakit ang aga mo?" "Maaga naman talaga akong pumapasok eh," sabi ko. "Oo nga pala," sabi niya saka siya tumawa. "Grabe ang bilis ng araw bagong taon na agad." "Oo nga eh," sang ayon ko. Napakabilis nga ng araw, hindi ko namalayan na magdadalawang taon na ako sa mission na ito, sana hindi ako umabot ng tatlong taon, miss ko na ang mag asikaso ng company ko kahit nagugustuhan ko ang buhay ko ngayon iba pa rin iyong nakasanayan ko na ng ilang taon. "Kumusta na si Russel?" tanong ko sa kanya, may

