Chapter 3

1923 Words
CONSTANTINA'S POINT OF VIEW "Tara mall muna tayo," pagyaya ko kay Catherine matapos naming makuha ang mga kotse namin. Nakita ko naman na nalaki ang mata niya. "Aba, himala nagyaya kang mag mall ngayon," hindi makapaniwalang sabi niya. "Bibili ako ng pasalubong ko kina mama, hindi ko na kasi nagawa iyon nung nasa France tayo," sabi ko sa kanya. "Pano ba naman kasi mas inuna mo pang asikasuhin ang trabaho kesa sa bumili ng pasalubong," sabi niya. "Oo na, mali na ako kaya 'wag mo na akong katakan, punta na tayong mall," sabi ko. "Okay, kailangan ko ring bumili ng bag dahil hindi ko nadala ang mga magagandang bag ko. Gaya ng sa kotse namin, sa susunod na buwan pa lang dadating ang ibang mga gamit namin na hindi namin na dala dahil kailangan na nasa tamang timbang lang ang maleta na dadalhin namin. Dinala lang namin ay ang pang isang buwan na damit habang wala pa ang ibang mga gamit namin. Sumakay na kami sa kotse namin swempre inalis muna namin ang mga plastik na nakabalot sa mga upuan pagkatapos nag drive na kami papunta sa malapit na mall. Maraming nagbago rito sa pilipinas kaya gumamit ako ng GPS para hindi ako maligaw. Pagkarating namin sa mall pinark muna namin ang mga kotse namin tsaka ka kami pumasok sa loob.  "Saan ba dito ang Chanel?" tanong niya habang naglalakad kami. "Sa akin mo pa talaga itatanong parehas lang naman tayong kauuwi lang dito sa pilipinas," sabi ko. Tumawa naman siya. "Sorry naman, hanapin na lang natin," sabi niya parehas kasi kaming ayaw talagang nag tatanong, isa pa maganda rin na hanapin na lang namin para makapasyal kami habang naghahanap at madali lang namin ma-fa-familiarize ang mall kung ganun ang gagawin namin. "Ayun 'yung Chanel," sabi niya ng makita ang Chanel. Nauna siyang naglakad sa akin dahil sa excitement, paborito niya kasi Chanel halos lahat ng gamit niya ay Chanel. Kung iisipin niyo ay napaka gastarol niya dahil luxury ang mga gusto niya pero deserve naman niya ang mga bagay na binibili niya dahil noon sobra talaga siyang magtrabaho para matulungan ang mga magulang niya, kulang kulang na nga ang tulog niya. Kaya tinulungan ko siya na magkaroon siya ng business para hindi na siya mahirapan kaya ng mag success din ang business niya lahat ng pangarap niya luho ay binibili na niya pero kahit ganun alam naman niya ang limit niya hindi naman siya sumusobra sa pagbili niya at minsan lang din siya bumibili kapag may tim siya, busy rin naman siyang sa business niya. Minsan umaabot ng dalawa o tatlong buwan bago siya makabili ulit ng luxury brand. Mabuti na lang hindi kami diniscriminate dito kahit ganito ang suot namin, siguro sanay na rin sila na hindi ganun ka susyal ang sinusuot ng ibang mga customer nila. Inaasahan ko na na hindi lang bag ang bibilhin niya, ganyan naman iyan sasabihin bag lang pero paglabas namin may shades na, earring at iba pa kaya sanay na sanay na ako sa babaing ito. Habang naghahanap si Catherine ng gusto niya may isang bag ako na nakita na talagang napukaw ng atensyon ko kaya nilapitan ko ito at tinignan ito. "Miss, how much is this?" tanong ko. "Two hundred thousand, six hundred fifty nine pesos ma'am," sagot niya. Napatango naman ako. "I buy this," sabi ko. Ito ang ireregalo ko kay Mama alam kong bagay na bagay ito sa kanya. Ang hahanapan ko na lang na regalo sina Papa at Kuya, swempre hindi ko kakalimutan ang triplets. Isang taon na ako sa France ng ibalita sa akin nina Mama na buntis siya, sobrang tuwang tuwa naman ako dahil nabuntis muli si mama. Nung namatay kasi ang bunso namin na stress talaga si Mama dahil doon hindi siya mabuntis buntis.  Bata pa lang naman kasi si Mama kaya pwede pa siyang mabuntis at gusto ni Papa na limang anak nakakatuwa nga dahil agad natupad iyon dahil triplet ang kasunod ni bunso. Sabi nga ni Papa baka binigyan kami ni bunso ng tatlo para sabihing 'I love you' at maging masaya kami kahit wala na siya. "Saan tayo next?" tanong niya ng matapos naming bayaran ang pinamili namin. "Ewan basta kung ano na lang makita natin na bilihan para sa mga lalaki iyon na lang," sabi ko. "Okay," sabi niya. Naglibot muli kami para maghanap ng ireregalo ko kina Papa. Nakabili ako ng para kay Papa at sa triplets kay Kuya naman nag desisyon na lang ako na ibili na lang siya ng motor niya para hindi siya mahirapan sa pagba-biyahe papunta sa school niya. Doctor kasi ang course ni Kuya kaya nauna akong nag graduate sa kanya. Gaya ko scholar lang din si Kuya, kinukuha nga rin siya sa ibang bansa pero ayaw niya dahil nasa ibang bansa na rin ako ayaw naman niya na parehas kaming umalis ng pilipinas. Oo nga pala, hindi na nakatira sa bahay nina Lola sina Mama pero nandoon pa rin sila sa lugar na iyon, sinabihan kasi sila ni Aling Nena na may bakante na sa upahan niya. Gusto rin kasi nito na umalis na sina Mama kina Lola dahil nakikita niya ang pagmamaltrato ng mga ito sa kanila. Ayaw pa nga ni Mama nung una pero pinilit ko siya na mag upa na lang kesa mag tiis na lang sila kina Lola, sabi ko ako na lang bahala sa pagbabayad ng upa nila. Pinapadala ko ng deretso kay Aling Nena ang bayad para sa upa, dinoble ko pa nga ang bayad para makatulong din ako sa pamilya nila kahit papano. Ang pamilya kasi nila ang naaasahan namin kapag walang wala kami, mas maaasahan pa namin sila kesa sa mga kamag anak namin. Nagbigay nga sila ng kaunting tulong ng madengue si bunso pero dahil kulang ang pera namin hindi siya na ka survive. Kaya ngayon na ako naman ang may kaya, tutulungan ko sila sa abot ng aking makakaya.  KINABUKASAN maaga akong nagising dahil uuwi na ako sa amin.  "Hindi ko muna dadalhin ang kotse ko kaya hatid mo ako ah," sabi ko kay Catherine. Habang inaayos ko ang damit sa maleta na nagulo ko dahil kumukuha ako ng mga damit na susuotin ko. Hindi ko na nilagay sa cabinet ng hotel dahil uuwi rin naman ako agad. Ayoko naman na pumunta doon ng naka kotse baka mabigla sina Mama tsaka hihintayin ko munang matapos nag pinapagawa kong mansion at ang anniversary nila bago ko sabihin sa kanila ang mga achievement na nakuha ko. "Okay," sabi niya habang nag me-make up siya. Matapos kong maayos nag mga gamit ko nagsuot na ako ng rubber shoes ko. Hindi ako nag suot ng luxury clothes at mga jewelry para hindi agaw atensyon.  "Tapos ka na?" tanong ko sa kanya ng matapos ako. "Lipstic na lang," sabi niya. "Okay, hintayin kita sa sala," sabi ko tsaka kinuha ang maleta ko. Tumango lang ito kaya lumabas na ako, mayamaya lang lumabas na rin si Catherine. "Tara na," sabi niya. Lumabas na kami ng room namin tsaka sumakay ng elevator, pinindot ko ang 'P' button para sa parking lot ng hotel. Nasa 4th foor lang kami kaya mabilis lang kaming nakarating doon. "Kelan ka maghahanap ng condo mo?" tanong ko sa kanya pagsakay namin ng kotse. "After kong bisitahin sina Mama," sagot niya tsaka pinaandar ang kotse. Nasa pangasinan kasi ang mga magulang niya pero dahil dito sa manila niya itatayo ang business niya kailangan niyang bumili ng condo para may matitirhan siya. Mas mappaagastos lang siya kung mag re-rent lang siya, kaya naman niyang bumili ng condo mas maganda na iyon kesa sa lagi siyang nagbabayad ng renta.  "Okay, tawagan mo na lang ako kung kailangan ka bibili para masamahan kita," sabi ko tumango naman siya. Sobrang traffic kaya nakarating na kami sa lugar namin ng tanghalian. Nagpababa ako kay Catherine malapit sa lugar namin. "Mag iingat ka sa biyahe ha? Kilala pa naman kita kaskasera ka," bilin ko sa kanya. Kapag kasi siya lang mag isa ang nag da-drive bara-bara na lang siya kaya minsan nakakabangga siya mabuti na lang madali lang kausap ang mga nababangga niya pero hindi na niya pwedeng gawin dito iyon dahil hindi namin alam kung ano ba ang mga ugali ng mga tao dito. Balita ko ang iba sobrang tapang minsan naglalabas na ng baril kapag naiinis. "Oo mag iingat na ako dito," sagot niya. "Mabuti naman, sige na alis na ako," sabi ko. "Okay bye," sabi niya, nagbeso muna kami bago ako sumakay ng tricycle. Mainit ayokong lakarin kaya mag ta-tricycle na lang ako. Sinabi ko kay manong driver ang address ng bahay namin ilang minuto lang nakarating na kami. Madaming nakatambay sa labas ng mga bahay nila kaya pinagtitinginan nila ako pagkababa ko.  "Kuya ito ang bayad keep the change," sabi ko. "Naku, salamat ma'am," sabi niya nginitian ko lang siya pagkatapos nun umalis na siya. "Tin?" Napalingon naman ako sa nagsalita. Si Mama. "Ikaw nga Tin, anak," sabi niya, nakita kong nangingilid ang luha nito sa mata niya bago ako dinamba ng yakap.  "Kumusta po kayo Ma?" tanong ko. Kumalas sa yakap si Mama. "Ayos lang kami," sagot niya. "Bakit hindi mo sinabi na uuwi ka? Sana nasundo ka namin." "Surprise po tsaka may ginawa pa kasi ako bago ako dumiretso dito, pangatlong araw ko na po dito," sabi ko. "Ganun ba?" sabi niya. "Oh, siya pumasok muna tayo mainit dito sa labas." "Margaret, iyan na ba ang pangalawa mong anak?" Biglang sabi ng isang babae, hindi ko siya kilala. "Oo siya nga," sagot ni Mama dito. "Aba ang ganda pa lang bata nitong anak mo ah," sabi niya. "Galing siya sa ibang bansa diba? Iha may tsokolet ka ba diyan?" Gusto kong mapangiwi sa sinabi niya pero nginitian ko na lang siya.  "Hindi naman po ganun kadami ang binili kong chocolate, hindi nama po kasi ako pumunta doon para mag trabaho kundi para lang po mag aral," mahinahong sagot ko. Totoo ito, hindi na kasi ako nakapamili pa dahil inasikaso ko nga ang business ko bago kami umuwi, nanghingi lang nga ako kay Catherine ng chocolate para makatikim naman ng chocolate sina Mama. "Ganun ba kahit isa lang bigyan mo na lang ako," sabi niya. "Sige po," sagot ko na lang. Hindi ko akalain na may ganitong mga tao pala, hindi naman sa madamot ako pero nakakagulat lang kasi na may ganitong klaseng tao.  "Pagpasensyahan mo na si Paula ah, ganun talaga ang ugali niya," sabi ni Mama pagpasok namin sa bahay. "Kapag may mga dumadating na nag ibang bansa asahan mong nandoon siya para manghingi." "Ayos lang Ma, pasensya na rin po at konting chocolate lang ang nadala ko," sagot ko sa kanya. "Ayos lang anak, sabi mo nga pumunta ka doon para mag aral kaya hindi mo kailangan mag uwi ng kahit ano," sagot niya. Linibot ko naman ang mata ko sa tinitirhan nina Mama. "Nasaan po pala sina Papa?" tanong ko. "Nasa trabaho ang Papa at Kuya mo, nag trabaho muna ang Kuya mo habang bakasyon siya pangdagdag daw sa gastusin. 'Yung triplets naman ay natutulog," sagot niya. Tumango naman ako. "Magbihis ka muna bago natin ituloy ang kumustahan, doon ka muna sa kwarto ng Kuya mo papayag naman ang Kuya mo na matulog na muna sa sala. Dalawa lang kasi ang kwarto dito." "Ayos lang po iyon Mama," Don't worry Mama kapag natapos na ang pinapagawa kong mansion may kanya kanya na tayong mga kwarto. "Sige po magbibihis muna ako." "Sige, ayun ang kwarto ng Kuya mo," sabi niya tsaka tinuro ang kwarto nito. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD