CONSTANTINA'S POINT OF VIEW "Sana lahat ng natutunan niyo sa akin ay dalhin niyo hanggang sa pag graduate niyo, okay ba?" sabi ko. "Yes, sir," sagot ng mga trainee ko. Pinagsama sama ko na silang lahat dahil last day ko na lang bilang instructor nila. Marami nga sa kanila ang gusto pang patagalin ang pagiging instructor ko pero hindi pwede una ay student lang din ako pangalawa ay iyon ang rules ng club namin. "At sana 'wag niyong gamitin ang natutunan niyo sa akin para magmayabang, 'wag niyong gayahin ang mga seniors ninyo dito na kinain na ang taas ng tingin sa sarili. Tandaan niyo hindi niyo kailangan magmayabang para ipamukha na malalakas kayo at hindi niyo kailangan magyabang para makuha ang respeto ng isang tao dahil kung talagang karespe-respeto kayo ay sila mismo ang gagawa 'nun,

