Chapter 2

1031 Words
"You are useless!" naalimpungatan ako ng makarinig ako ng galit na boses ng isang lalake at pagkabasag ng isang bagay. "Nasaan ako?" nagtataka kong tanong habang hawak ang ulo na sumasakit dahil sa mahimbing na pagtulog. "Finally your awake," napaangat ako ng ulo ng tumayo sa harapan ko ang estraherong lalake. "Sino ka?! Bakit ako nandito?!" pinilit kong tigasan ang boses para hindi mahalata na natatakot ako. Kasalukuyan akong nasa hindi pamilyar ng kwarto kasama ang estraherong lalake na hindi ko kilala pero parang pamilyar ang boses nito. "I brought you here," kalamado na sagot nito at inalis ang suot na sando kaya jogging pants nalang nito ang natira. Agad akong umiwas ng tingin dahil pakiramdam ko ay namumula na ang magkabila kong pisngi. "Let's enjoy this night and spend time with me," napansin ng gilid ng mata ko pagngisi nito at malagkit na titig sa akin. "What do you think?" tanong nito at hinikit ako sa braso paharap sa kaniya. Napalunok ako ng dahan-dahan nitong nilapit ang mukha sa akin at nilagay ang kanang kamay sa pisngi ko. Hindi ko alam pero para akong na hipnotice sa mga titig nito. Napaatras ako at napasandal sa headboard ng kama habang ang lalakeng ito ay patuloy parin sa paglapit sa akin hanggang sa ilang hibla nalang ang layo. Kahit na magulo ang buhok ay ang presko parin nitong tinggnan. Dahan-dahan kong pinikit ang mata ko at hinintay na lumapat ang labi nito sa aking labi. "You're waiting for my kiss, am I right?" Nakangisi nitong tanong at agad na lumayo sa akin bago kinuha ang towel sa paahan ng kama at pumasok sa loob ng bathroom. "A-Anong sabi mo?!" nauutal na sigaw ko at agad na umayos ng upo pero hindi pa 'ko nakakabawi sa ginawa nito ay may sunod-sunod akong narinig na katok mula pinto. "Don't deny it! I know you want me to kiss you!" sagot nito kaya lalo akong nangalaiti sa galit. "Tumahimik ka!" sigaw ko at ginulo ang buhok bago bumaba sa kama para buksan ang pinto. Hanggang ngayon ay nakasuot parin ang ako ng gown. Kamusta na kaya sila daddy? Galit kaya sila sa akin? "Sandali lang po!" sigaw ko at nagmamadaling lumakad palapit sa pinto. Nang makalapit ako sa tapat ng pinto ay agad ko itong binuksan at isang ginag ang bumungad sa akin na sa tingin ko ay nasa singkwenta ang edad. "Mabuti at gising ka na hija, naito pala ang bihisan na pinabili ni Parkier," anang nito at inabot sa akin ang dalawang paper bag. Kahit na nagtataka ay tinanggap ko ito at sinara ang pinto ng makaalis ang ginang. "Bihisan? Nasaan ba talaga 'ko?" tanong ko sa sarili at binuksan ang paper bag at bumungad sa akin ang isang oversized t-shirt at isang short na hindi naman masiyadong revealing dahil hanggang kalahati lang ito ng leg's ko. "I'm done," "Ay palaka!" sigaw ko sa gulat ng magsalita ang lalakeng ito mula sa aking likuran. "What did you say?" tanong nito at pinaharap ako sakaniya. Basa pa ang buhok nito dahil kakatapos lang maligo habang tumutulo ang ilang patak ng tubig mula sa buhok nito. "W-Wala," wala sa isipan kong sabi habang mahigpit na hawak ang dalawang paper bag na nasa magkabila kong kamay. "Okay, then let's eat dinner later." saad nito at lumayo sa akin bago kinuskos ang basang buhok gamit ang towel. Dahan-dahan akong tumango at nagsimulang maglakad palapit sa bathroom para magpalit ng damit pero bago pa 'ko makapasok roon ay napigilan na ako nito sa braso. "I forgot to kiss you," wika nito pero bago pa 'ko makapagsalita ay mabilis na nitong nasakop ang labi ko. Nagtama ang mga mata namin habang nakalapat parin ang labi sa isa't-isa at habang tumatagal ay lalo itong lumalalim. Ito ang kaunahang pagkakataon na mahahalikan ako ng isang lalake dahil kahit minsan ay hindi ako nagkaroon ng boyfriend. Nilagay ko ang kamay ko sa batok niya at dahan-dahang pinikit ang mata at kahit na wala akong karanasan ay tinugon ko ang halik nito. "Hey!" napabalikwas ako ng upo ng marinig ko ang sigaw ng lalakeng ito sa harapan ko. "What are you thinking? Did you hear me?" sunod-sunod na tanong nito habang kinakaway ang kamay sa tapat ng mukha ko. "Oo naman! Bakit hindi?! Ano tingin mo sa akin bingi!" simangot ang mukha na sagot ko at naghalumbaba. Buong akala ko pa naman ay totoo na ang nangyari hindi pala. Talaga bang naisip ko ang bagay na 'yon? "Now you angry for no reason," Inabot nito ang dalawang paper bag sa akin at kinalikot ang cellphone. "Buti pa 'yung paper bag totoo pero 'yung kiss hindi," bulong ko at sumimangot. "Did you say something?" binaling nito ang tingin sa akin at tumigil sa pagkalikot sa cellphone na hawak nito. "Did you say something?" pagaya ko dito at tinaasan ng kilay. "Hahaha, your so cute with that look," Anang nito at kumindat pero hindi ko ito pinansin at kinuha ang paper bag at padabog na naglakad papasok sa loob ng bathroom. Teka bakit nga ba ako naiinis? Mabuti pa ay magisip na 'ko ng paraaan kong paano ako aalis sa bahay na ito at humanap ng ibang tao na pwedeng tumulong sa akin. "Ano kaya kong ipagbili ko nalang itong gown?" tanong ko sa sarili ng mahubad ang gown na suot. Umiling ako ng ulo at binuksan ang paper bag at bumungad sa akin ang isang maikling short pero hindi naman ito masiyadong reveling at isang oversized t-shirt at sa isang paper bag naman ay ang private na ginagamit ko. Hindi ko alam kong paano nila nalaman ang size ko dahil saktong-sakto lang sa akin ang lahat. Pagkatapos kong mag shower ay sinuot ko na ang binili nilang bihisan sa akin at lumabas habang hawak ang gown. "Give me that gown." utus ng lalakeng ito habang hawak ang gunting. "Anong gagawin mo?" tanong ko. "Tsk!" hindi ito sumagot at hinikit ang gown na hawak ko bago walang pasabing ginupit at tinapon sa sahig. "Anong-umhp!" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng lumapit ang lalakeng ito sa akin at walang pasabi na hinalikan ako sa labi at ngayon ay masasabi ko na hindi ito isang imahinasyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD