THIRD PERSON NANG MAKARATING sila sa bahay nang kanilang Lolo, dali-dali silang sinalubong ng mga tauhan nito. Tunay ngang mayaman ang mga Del Valle, lalo na sa pangalan pa lang nito na kilala na sa iba’t ibang larangan. Kaya kung sino man ang pumasok sa pamilyang ito at hindi kayang higitan ang ginagawa nila siguradong mas lalong mapapahiya. Kaya siguro isa sa problema nila ay kung paano mahihigitan at paano magiging magandang ihemplo sa harap ng mga tao kahit na hindi naman sila ganon sa kanilang kalooban. At mismong sila Duke at Atticus ang humarap ng mga problemang iyon. Nang makapasok sila sa loob, agad silang pinapunta sa sala kung asaan andoon ang kanilang Tito na si Tyler at ang kanilang Lolo na si Paul. “Atticus, buti nandito ka na,” agad na bungad ng kaniyang Tito. “N

