Bigla namang dumating ang mga waiter na may dalang intrumento at nagsimulang magpatugtog dahilan upang tumaas ang tension sa paligid. Agad namang pinalupot ni Atticus ang kamay ni Erina sa leeg ni Atticus pagkatapos ay hinawakan nito ang bewang ni Erina sabay hinatak ito palapit sa kaniya. Nanlaki naman ang mata ni Erina dahil sa gulat dahil sa ginawa ni Atticus. Bigla namang tumunog ang intrumento at doon naman nagsimulang sumayaw sila ng dahan-dahan. “Sweet ko na ba sa paningin mo?” tanong ni Atticus sa kaniya. Napalunok naman si Erina habang tinitignan si Atticus na nakatingin sa kaniya. Ano ito? Erina, bwisit ano yjng nangyayari sa ‘yo? Si Atticus lang ito. Normal lang kay Atticus maging ganito, hindi ba magaling siya sa babae. Isipin mo na lang na normal lang sa kaniya iyon.

