Nang masagot na ng babae ang kanyang tawag excited siyang marinig Ang boses nito. Hindi nga siya nagkakamali napaka lambing at napaka Ganda ng boses ng babae.
"Hello sino to ?" tanong agad ng babae ng makonekta na Ang kanyang tawag.
dali-dali Naman siyang sumagot "ako to si Jake yung sa dating Apps yung naka chat mo ngayon lang." pag papaliwanag niya dito.
" ahh ikaw pala ouh kumusta? sigurado ka bang Janitor ka lang ? di naman halata sa boses mo." nag tatakang tanong ng babae.
Napatawa nalang si Jake sa kanyang isip bago sumagot. " oo Janitor talaga ako yun lang kasi ang alam kong trabaho ehh" sagot niya Naman na may halong ngiti.
" hahaha alam mo Hindi ako naniniwala sayo naka Amerikana ang suot mo dito sa picture mo tapos Janitor ka lang ? di ka lang pala bolero sinungaling ka pa." Sabi ng babae sa kabilang linya na may halong pangungutya.
"Totoo talaga Ang sinabi ko Janitor talaga ako at tungkol Naman sa suot Kong yan hiniram ko lang yan sa kasamahan ko sa trabaho para may pang profile ako. " pag papaliwanag niya. " ahhm by the way ano pala course mo ? pag iiba na sa usapan para hindi siya mabuko ayaw niya munang sabihin Ang tungkol sa kanyang trabaho gusto niya munang makilala ang babae.
"ahhm Education po graduating na ako ngayon taon na ito sana nga po maka graduate" Sabi niya na may halong lungkot.
" bakit ? May problima ba ? takang tanong niya dito.
" ahh wala naman " sagot Naman ng babae. sabay sabing infairnes ha Maganda Ang boses mo para Kang nasa radyo."
Bigla kinabahan si Jake sa sinabi ng dalaga. mabubuko na ba siya ? nako paano to sa isip niya habang nag iisip ng isasagot. Akmang sasagot na Sana siya biglang nag salita Ang dalaga na mas lalong nag papakaba sa kanya.
" by the way saan ka pala nag work ? anong kompanya? tanong ng talaga sa kanya. Natameme siya mga 30 seconds siyang di makasagot ano kaya Ang isasagot niya? kung sabihin niya na sa Broadcasting network siya nag tatrabaho malamang mahuhulaan ng dalaga Ang trabaho niya hmm ano kaya Ang isasagot niya.
"hey nandyan ka pa ba? hello may kausap pa ba ako? sigaw ng dalaga sa kabilang linya nang mapansin na di siya makapag salita.
"yes nandito pa ako nakikinig sayo." Sabi niya na may halong Kaba.
"saan ka nga nag work? ulit ng babae.
" ahh sa ano Restaurant taga linis ako" biglang Sabi niya sa kay Sittie. hays salamat nakaisip rin ng paraan bulong niya sa sarili.
" ahh ganun ba okay naman Ang Janitor marangal na trabaho yan." Sabi ni Sittie sa kabilang linya pero Ang nasa isip ni Sittie nagsisinungaling lang ang lalaking kausap niya masyadong misteryoso ito at tsaka wala naman sa itsura nito ang pagiging janitor sinasabaya nalang niya para matapos na Ang usaping ito.
Samantala nakahinga naman ng malalim si Jake dahil sa ngayon ayaw niya munang sabihin dito Ang kanyang Trabaho.
Sa Hindi nakaka alam si Jake nga pala Ang News Director ng kanilang Kompanya Isang broadcasting network sa kanilang Probinsya. Nakakahiya mang aminin pero di ganun kalaki Ang kanyang sahod kumpara sa malalaking network sa bansa. Graduate nga siya ng AB in Mass Communication pero sumasahod lamang siya kada buwan ng P 15,000.00 pesos kulang na kulang ito sa kanyang pang araw-araw kaya nahihiya siyang sabihin sa dalaga Ang kanyang Trabaho baka kasi mataas Ang tingin nito sa kanya ng dalaga kaya mas nakakabuti kung sabihin niyang Janitor lang siya.
Lumalalim na Ang Gabi, Marami silang pinag usapan ng dalawa masaya silang nag kukwentuhan tungkol sa kanilang personal na buhay na para bang ang tagal na nilang nagka kilala. Kaya di niya napansin na alas dose na pala ng madaling araw.
Dahil sa kanilang kwentuhan nalaman niya Ang Isang Muslim Ang babae, Ang akala din ng babae ay Muslim siya dahil sa kanyang itsura pero sinabi niya agad kay Sittie na Hindi siya Muslim Isa siyang Kristyano. Pero may Dugo din siyang Muslim dahil yung tatay niya mismo ay Isang Muslim. Yun nga lang iniwan sila ng kapatid niyang lalaki nung maliit pa siya sabi ng kanyang Nanay dalawang taon pa lamang siya nung iniwan sila ng tatay niya dahil sa kadahilanang Hindi yumakap sa pananampalatayang Islam Ang kanyang Ina.
Dahil sa pangyayaring yun may kirot sa kanyang puso pero Hindi sumagi sa isipan niya na magkaroon sila ng problima ni Sittie sa kanilang pagkakaigan dahil napaka komportable nila sa isat-isa.
" ahhmp Sittie di ka pa ba matutulog ? " biglang tanong niya dito inaantok na siya at maaga pa siya magising bukas maaga Ang newscast niya sa Umaga.
" Hindi pa ikaw matutulog ka na ba ? sagot Naman ni Sittie sa kabilang linya.
" oo ehh matutulog na ako" nag aalangang sagot niya na may bahid ng lungkot gusto pa niyang maka usap Ang dalaga kaso Gabi na talaga at maaga pa siya magising bukas. " may pasok kasi ako bukas marami pa akong linisin " dagdag niya pa dito na may halong ngiti.
" Sige kung matulog ka na ehh good night thank you nga pala sa time mo ang gaan-gaan ng loob ko sayo tawag ka lang pag may bakanteng oras ka good night." pag papaalam ni Sittie sa kanya.
" Good night too salamat din sa panahon masaya ko na nakilala ka ang gaan-gaan din ng loob ko sayo iwan ko parang matagal na kitang nakilala sige una na ako ha ingat ka palagi" tugon Naman niya.
Pagka tapos nun pinatay na niya ang tawag Ang akala niya makatulog agad siya ngunit di siya agad nakatulog naiisip niya si Sittie. Marami Ang gumugulo sa isipan niya lalong-lalo na Muslim ang babae at siya naman ay isang Kristyano magkaibang-magkaiba ang kanilang paniniwala.
Naisip niya paano kaya kung mahulog Ang loob niya sa babae ? paano kung mamahalin niya ito? anong mangyayari sa kanya? kaya ba kaya niyang talikuran Ang pagiging katoliko?
Bigla siyang naguguluhan bakit niya iniisip ang ganito ngayon lang naman niya nakilala si Sittie ahh pero bakit di mawala sa isip niya? ganun ba talaga siya karupok? kailan pa niya ulit ito nararamdaman ? Ngayon lang ulit siya nakaramdam ng ganito. Nalala niya 6 years ago ganitong ganito din ang nararamdaman niya kay Cindy lalo na sa text din niya iyon unang nakilala masakit lang isipin na sa loob ng tatlong taon nilang mag jowa pinagpalit siya sa isang tomboy. Hindi naman sa hinahamak niya ang mga lesbian malaki ang respeto niya sa l***q Community. Sa Katunayan marami siyang kaibigan na mga bakla at may best friend din siyang tomboy. Ang hindi lang niya maiintindihan ay kung bakit siya pinagpalit madami namang lalaking pweding ipalit sa kanya, at ang masakit pa wala naman siyang ginawang masama sa kanyang dating nobya naging tapat siya dito kaya masakit sa kanya ang nangyari.
Habang naiisip niya ang mga yun at iniisip din niya kung anong mangyayari sa kanila ni Sittie na ngayon pa lang niya nakilala pero parang Mahal na niya ang dalaga di niya maiwasang matakot na baka maulit na naman ang nangyari sa kanya 6 years ago lalo na't magkaiba sila ng paniniwala. Hanggang sa nakatulog siya ng di niya namalayan.
Habang tulog siya bigla siyang nananaginip.