Kung may natitira pa akong pagdududa kay Chloe, ngayon ay burado na iyon. Pakiramdam ko, may dumagan sa aking dibdib, biglang sumikip ang paghinga ko. Hindi ko na nakuha pang magsalita, dahil tila may bikig sa lalamunan ko. I have done her a great injustice. Instead of hurting me as a form of retaliation, she has thought of a way so we can have a better chance to get the contract. Instead of just denying my accusations, she has handed me a promising lead to prove her innocence. Kung nagkabaligtad ang sitwasyon namin, alam kong hindi katulad ng ikinilos niya ang gagawin ko. Anthony Mendez. Malakas ang kutob ko na may kaugnayan siya kung paano nalaman ng Quintano Consolidated ang proyekto namin. Kung ano iyon ay siya kong aalamin. Ipinasa ko ang kasong ito sa Safety & Security Officer ng k

