Nilibot ng paningin ko ang bawat maraanan. Mukhang mas maaliwalas, kaaya-aya at higit na marangya ang buong kabahayan. Ngunit kahit anong ganda pa ng paligid, bakit mas malakas yata ang hatak ng atraksyon ng taong nasa harap ko? Hindi ko mapigilang tumingin sa galaw ng baywang, sa maputi at makinis na binti ni Chloe na lalong tumambad sa aking paningin nang siya ay umakyat ng hagdan.
She has a statuesque beauty. Matangkad siya sa karaniwan, maybe around 5'6" tall, and she has a slim but shapely form. She is graceful and elegant na sinabayan pa ng maamong mukha, iyong tipong 'di nakakasawang tingnan kahit buong hapon mong titigan. Nasa kaniya na yata ang lahat kung pisikal na aspeto lang ang pag-uusapan.
Gusto kong sipain ang sarili para ipaalala kung sino at ano ang ginawa sa akin ng babaeng ito.
Pagdating sa dulo ng pasilyo, binuksan ni Chloe ang pinto ng magiging silid ko.
"Well, ano sa tingin mo?" tanong niya.
"Uh, maganda," nabiglang sagot ko.
"Maganda?" may pagdududang tanong niya.
Hindi ko pa kasi nasusulyapan ang loob ng silid ay nakasagot kaagad ako ng maganda. Sa kaniya kasi nakatuon ang buong pansin ko. "Ang ibig kong sabihin, malaki ang ipinagbago nitong mansyon at mas lalong gumanda."
Inayos ko ang kuwelyo ng damit ko dahil bahagya akong nakaramdam ng pag-iinit. Nagmadali na akong pumasok ng silid.
Sa unang tingin pa lang, nagustuhan ko na agad ito. Maganda ang colour scheme, naghalong dark brown, mocha, taupe, berde at puti. Yari sa kahoy ang kama na kulay kape, gayon din ang iba pang kasangkapan.
"So?" muling tanong ni Chloe.
"May kalakihan. Otherwise, it's perfect."
"Great! Kung gano’n, h’wag na tayong mag-aksaya ng oras. Ilabas mo na," utos niya.
"Ilabas?" kinakabahang tanong ko.
"Para makita ko," sagot niya.
"Makita ang ano?" pinagpapawisang tanong ko.
"Ang laman ng maleta mo!" ganting sagot ni Chloe. Pinamulahan na siya ng pisngi.
Ako rin, I am feeling unsettled kaya hindi ako makapag-isip nang maayos. Kung ano-ano tuloy ang pumapasok sa utak ko. “Ba’t kailangan mong tingnan? Anong akala mo sa 'kin, magnanakaw? Kahit lumaki ako sa hirap, hindi ko magagawang kumuha ng gamit ng iba!" defensive na sagot ko.
"What? That's not what I mean! Mamimili tayo ngayon. Gusto ko lang makita ang gamit mo para i-assess kung ano pa ang mga kakailanganin mo!" singhal ni Chloe.
Napahiya ako. Isa pa, wala akong sapat na ipon para bumili ng dagdag na damit. Sa tingin ko, maayos at hindi nakahihiyang isuot ang mga dala ko. "That's not necessary. I could do that on my own."
"You don't have any say on this. Ninong asked me to - "
"Then he should have consulted me first! I'm not a puppet that I'll just dance at anybody's whim. At sa lahat din ng ayaw ko ay iyong pinangungunahan ako!”
"Perhaps you're right but you need to discuss that with Ninong. To set the record straight, Mr. Oscar, I was against this from the very beginning. Don't discount Ninong's tenacity, though. When he sets his mind on something, he'll not stop until he gets what he wants. I've given my word to Ninong at wala akong planong sirain 'yon. Now, we could play this the hard way. It's up to you," humalukipkip siya at tumingin sa akin nang diretso.
Sa tingin ko, walang makakatinag sa kaniya kahit dumaan pa ang bagyo. Tumayo akong ala-Superman, nasa ibabang bahagi ng baywang ang mga kamay at may ilang pulgada ang layo ng mga paa sa isa't isa, para mas intimidating ang dating.
"Anong gagawin mo kung hindi ako susunod sa sinabi mo?" hamon ko sa kaniya.
Nagkibit-balikat siya. "Hindi ako aalis dito."
Dumako ang mata ko sa kama bago ko siya tinapunan ng makahulugang tingin. "I won't mind. I can share my bed. It's big enough for the two of us." Nagpakawala ako ng nakakalokong ngiti.
"Baka magsisi ka, hindi ako madaling kasama," kalmadong sabi niya.
Nagtungo siya sa isang parte ng silid kung saan naroon ang sound system. Compact iyong speaker pero clear at full range ang tunog na nagmumula roon. Actually, nakatutulig sa pandinig ang pumailanlang na tugtog. Opera music ba naman na si Cecilia Bartoli ang kumanta.
"I love this song. I can listen to it all day without getting bored," nang-iinis na sabi niya.
"I bet you can," sarkastikong saad ko.
Umupo siya sa kama at nag-pose. Nakataas ang isang braso niya habang hawak nito sa kamay ang kaniyang cell phone.
"Anong ginagawa mo?" kunot-noong tanong ko.
"Nagse-selfie? Ipo-post ko 'to sa i********: mamaya."
Alam kong inaasar niya lang ako kaya lihim akong napangiti sa inasal niya. She is gutsy, that is for sure. She is unaware though how alluring she looks while taking her photo. Habang tumatagal lalo siyang gumaganda sa paningin ko.
Ipinilig ko ang aking ulo. This is Elle, remember? She may be innocent looking, but she can not be trusted. Dahil doon, pansamantalang nabura ang namumuong paghanga ko sa kaniya.
"Vain, aren't we? But then, that's the least of your faults," pasaring ko. Tinitigan ko siya para malaman niyang hindi ko pa nalilimutan ang ginawa niya noon. Hindi nakawala sa akin ang sakit na gumuhit sa mga mata niya bago siya umiwas ng tingin.
Nakonsensiya kaya?
"Fault is subjective. I've learned that from experience," mapait na sabi niya.
Sasagot pa sana ako kaso nawala na sa isip ko ang sinabi niya dahil sa nakabibinging ingay mula sa kanta, nasa pinakamataas na nota na kasi iyon.
"Turned that damned thing off!" bulyaw ko.
"Uh-uh." Sinabayan niya ito ng iling. Blanko uli ang ekspresyon niya.
Imahinasyon ko lang ba iyong nakita ko kanina?
Napagtanto ko na hindi magbabago ang isip ng kausap ko. Aalis lang siguro ang babaeng ito kung kakaladkarin ko siyang palabas ng kuwarto. Hindi ko kayang gawin iyon kahit na malaki ang atraso niya sa akin.
Yamot na kinuha ko ang maleta na nauna nang inilagay ng kasambahay roon. Nakatabi ito malapit sa pinto. Padabog na ipinatong ko ito sa kama at binuksan.
"Feel free to dig in, Miss Chloe," nagtitimping sabi ko. "But first you need to turn-off that irritating sound."
"Of course! Madali naman akong kausap, eh," mabilis na pagsang-ayon niya. Pumunta siya sa tabi ng audio component at pinatay iyon.
"Silence, at last!” Itinaas ko ang dalawang kamay sa ere. “Hindi ko alam kung paano mo natatagalang makinig sa ganiyang klaseng tugtog."
Pinigil niyang ngumiti ngunit kumibot pa rin ang mga labi niya. Yumuko siya at kinalkal ang mga gamit ko.
"Nag-abala pa akong tingnan. Halos pare-pareho lang naman pala 'tong damit mo, barong at more barong pa!" reklamo niya.
"Anong masama sa barong?"
Sa totoo lang, binili ni Lola sa ukay-ukay ang halos lahat ng damit na dala ko. Barong daw ang nababagay isuot sa bagong kompanyang papasukan ko. Very dignified daw tingnan ang nakasuot ng ganoon. Mapilit siya kaya hinayaan ko na. Ang kaso, sumablay iyong sukat. Masikip na nga iyong barong, bitin pa iyong pantalon.
"Hindi sa nilalait ko ang pambansang kasuotan pero dapat naman may ibang choice pa, di ba?"
"Eh, sa 'yan ang nakasanayan ko," pagsisinungaling ko. Casual ang lagi kong suot sa dati kong trabaho, maong at polo shirt lang. Nakipagtalo pa ako kina Lola nang isinama ko iyon sa mga dadalhin. Nakakahiya raw dahil mga luma na iyon.
“Ikaw na ang maging fashion icon,” mahinang sabi niya ngunit narinig ko pa rin.
Napako ang tingin ko sa hawak niya ngayon. "Teka, pati ba naman boxer shorts ko pakikialaman mo?"
Tila napasong binitawan niya iyon. "Boxer shorts ba 'yan? Akala ko puruntong," nang-iinsultong sabi niya. Yumuko siya at hinalukay uli ang laman ng maleta. Kinuha niya iyong jeans at white cotton long sleeve shirt. Nakasimangot na tiningnan niya iyon. "Eto! P’wede na siguro 'to!"
"Aanhin mo ‘yan?" nagtatakang tanong ko.
"You need to change into something more comfortable. Ipapaplantsa ko 'to kay Manang tapos magpalit ka!" asik niya.
"Bakit kailangan ko pang magpalit? Komportable naman 'to." Itinuro ko ang hapit na barong na suot ko. Halos hindi na nga ako makahinga sa sikip.
"Seriously! Ugh!" kinikilabutang sabi niya. Ipinikit niya ang mga mata at ilang beses na umiling-iling.
“May problema ba sa ayos ko?” Umiral ang pride ko kaya pinanindigan ko na.
“Marami. Mali ang sukat n’yang-” Ikinumpas niya ang kamay at pinadaanan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. “Mukhang hiniram mo ‘yan sa kapatid mong ring bearer.”
“Wala akong kapatid.”
“Namimilosopo ka pa. Alam mong napagliitan ang ibig kong sabihin.” Lumuhod siya sa isang tuhod sa harapan ko at hinila ang laylayan ng pantalon ko. “Dapat ang haba nito” – tumingala siya – “ay hanggang di...dit–“
Napagtanto niya kung saan nakatapat ang kaniyang mukha. Saglit siyang natameme at pinagmasdan iyon.
“H’wag mo nang pakialaman ‘yan. Sinisigurado ko sa ‘yo na pagdating d’yan hindi kinapos ang haba n’yan!”
“Bastos!” Tumayo siyang bigla at halos patakbong tinungo ang pintuan. Dala-dala niya iyong maong at polo ko.
“Ano’ng gagawin mo d’yan sa damit ko?”
"Basta, magpalit ka! Ipapaakyat ko 'tong damit ‘pag naplantsa na. Bilisan mo at maghihintay ako sa baba!"
Hindi na ako nakaangal dahil tuluyan na siyang lumabas. Lihim naman akong natawa sa inasal niya. Nawalang bigla iyong pagiging cool at class niya.
Naalala ko noong mga bata pa kami. Nakuha niya kaagad ang loob ko. Bukod sa pagiging cute niya, tunay naman na mabait siya sa akin. Iyon pala, kapag kaharap lang ako. Katulad din siya ni Sophia, matapobre. Mas mapanganib pa nga siya dahil nagkukubli siya sa maamo niyang mukha.
Pagkatapos nang pagtatraydor niya, hinding-hindi ko na ibabalik ang tiwalang ibinigay ko sa kaniya noon.