Tumuloy kami sa bahay nina Alvin matapos niya akong sunduin sa site. Nais ni Mrs. Guevarra, ang mama ni Alvin, na ipaayos at gawing moderno ang kanilang tinitirhan. Panahon na raw na ipagawa ito dahil higit dalawampung taon na silang nakatira dito. Habang itinuturo niya ang gusto niyang mangyari ay iginuguhit ko naman ito sa papel. Napakametikulosa pala niya kaya nagtagal ang aming usapan. Niyaya niya akong dito na maghapunan. Tinanggap ko ang alok niya, gutom na rin ako at mukhang marami pa siyang nais sabihin sa akin. Kasalukuyan kaming nagdidiskusyon ni Mrs. Guevarra nang magpaalam si Alvin sa amin. Pupunta pa siya sa Ivy Bar and Restaurant para sunduin si Alyssa, ang kaniyang nobya. Minsan sa pag-uusap namin ay naungkat ang pangalan ng restaurant kung saan nagtatrabaho si Alyssa at

