Malalim na ang gabi at tahimik na ang buong kabahayan pero dahil gabi na din gumising si Maya ngayon hindi pa siya makatulog. Pinag mamasdan niya ang mahimbing na tulog ng triplets na naka balagbag ng higa sa dalawang kama pinag dikit nila noon. Si Trixie naman ay nasa sarili nitong kuwarto. Gusto sana nitong tumabi din sa kanilang matulog pero alam nitong hindi sila kasya dahil nga malikot matulog ang tatlo kaya hinayaan na lang muna niya itong matulog sa tabi ng tatlo kanina ng tulog na binuhat na nalang niya at inilipat sa kuwarto nito na katabi naman ng kuwarto ni Alex. Nakahiga na si Maya sa ulunan ng kama, habang nakatingin kila si Nero, si Elric, at si Klaus na mahimbing at magkakadikit, parang mga kuting na takot maghiwa-hiwalay kahit sa panaginip pero ngayon lang yan mamaya lang

